jewel
Female
Philippines




Isang tao na
-- mahilig magbasa ng kahit ano, pero kalimitan mga romance pocketbooks
-- ipagpapalit ang pagkain sa pagtulog, hindi nga lang halata
-- direct descendant (ata) ni sleeping beauty (pero matagal-tagal na rin simula nung huli kong napatunayan, har har har)
-- harassed na harassed sa paghahanap ng maggagawa sa araw-araw (applicable na lang kapag wala ang mga amo at hindi ako kinukulit ng mga tao sa paligid, nyahaha)
-- miss na miss na ang maraming bagay. basahin ito





iba pang blog
  • bloopers
  • bulitas
  • cidie
  • clown1796
  • cutepsycho
  • del
  • edmund
  • eriz
  • friendsterblog ko
  • ghe
  • gracie
  • hance
  • jeanette
  • kc
  • kukote
  • lei
  • lojika
  • luisa
  • lyn
  • misty
  • purple princess
  • roy
  • ruth
  • skulgirltrxko
  • tambayan ko
  • tekla
  • thei

  • iba pa nilang blog
  • eriz2
  • gracie2
  • marhgil
  • textmate





  • photos

  • pictures namin









  • GGentle
    IInspirational
    NNormal
    AAwkward

    Name / Username:

    Name Acronym Generator
    From Go-Quiz.com







       

    << November 2009 >>
    Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
    01 02 03 04 05 06 07
    08 09 10 11 12 13 14
    15 16 17 18 19 20 21
    22 23 24 25 26 27 28
    29 30




















    Go to ImageShack® to Create your own Slideshow

















    Bakit nga kaya ganun?

    Sinasabi natin na ang gusto lang natin e maging masaya

    Pero patuloy naman nating sinasaktan ang ating sarili

    Masokista ba talaga tayo?

    Bakit iba ang sinasabi mo sa ginagawa mo?

    Bakit iba ang ginagawa mo sa gusto mo?

    Hanggang kelan mo sasaktan ang sarili mo?

    Hanggang kelan mo papabayaan na ganyan ka lang?

    Hanggang kelan?

    Hanggang kelan?

    Hanggang kelan?

    Subukan mo kaya ngayon

    Umpisahan mo kaya ngayon

    Kaibigan, kaya mo yan

    Kung hindi ikaw, wala namang iba

    Tandaan mo, bukod sa amin, andiyan SIYA

    SIYA mismo, hindi mo na kelangang maghanap

    Naghihintay lang na kapitan mo



    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



    rss feed



    Sunday, September 07, 2008
    Lungga

    Opo...

    May bago nga akong lungga.... sa hindi malamang kadahilanan, kelangan palawakin ang nasasakupan, hayun, naghanap ako ng bakasyunan...

    Ibig sabihin, kung wala ako dito, dun niyo na lang ako hanapin...

    So, open naman lagi ang aking invitation sa lahat... kita-kits na lang tayo... ingat. God bless...

    jewel0326.blogspot.com


    Isinulat noong 09:43 am Isinulat ni jewel
    (1) Ang nagtiyagang magbasa  

    Saturday, August 30, 2008
    Shining Armor ni Sleeping Snow White

    Umattend kame ng retreat kahapon.. heto ang hindi ko makalimutang eksena:

    speaker: ako kase, si snow white ang pinaka-favorite ko, blah blah blah...
    sis g: ay mahilig matulog si speaker kaya yun yung favorite niya...
    me: huh... ano daw??? (sabay hagalpak at baling sa kabila)... sis c, sabi ni sis g, kaya daw favorite ni speaker si snow white kase gusto niya natutulog...
    sis c: ay oo nga.. ako rin e...
    me: huh.. argh.. (ano ba itong mga tao sa paligid ko)....

    at nagtawanan na kame sa likod, heheheh....

    next scene:

    speaker: blah blah blah.. kaya knight in shining armour sila.. kase blah blah blah...
    sis g: ganun.. ako kahit shining armor na lang wala ng knight...
    me: huh... ayoko ata ng ganun.. kahit knight na lang at wala na yung shining armor niya, ok na rin...

    bweheheheheh... ang kulit.... heto last na...

    speaker: kung hindi ako nakinig kay Lord, blah blah blah... di ba nga... nobody is praying for ****... yung household leader ko iba ang pinag-pe-pray.. si mommy ko, iba din.. only **** prays for ****....

    ehhehehe... ang galing.... panalo ang prayers ni ****.... sana lang kame din pinag-pe-pray nya noh, hahahhaa..... ng makita na nga namin ang aming mga knights..... pero wag naman yung kay sis g... utang na loob.. sabi nga namin... at Lord, nagkamali lang siya ng bigkas... madalas lang po talagang mag-joke si sis g... wag mo po  masyadong siniseryoso.... hehehhe... (peace tayo sis g) Angel

    eniweis, yun ang ilan sa mga kalokohan namin.. hanggang sa muli.. ingat. God bless!!!


    Isinulat noong 06:05 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Mabilis lang

    na kuwento...

    Kaninang umaga, pagkagising ko, binati ako ng ka-roommate ko... sabi niya.. ang sarap matulog ano... at knowing naman niyo kung gaano ako ka-adik sa tulog, ang sagot ko, oo naman noh, mas masarap pa kayang matulog kesa kumain....

    heto na, dahil feeling ko ang ganda ng sagot ko, habang naglalakad ako, naisip ko.. hhhmmmnnn.. ano ba ang top five na masarap gawin... tipong kung bibigyan ka ng pagkakataon... yung limang bagay na gagawin mo sa isang araw, tipong yun lang lagi-lagi.. hmmmnnn.. pang-survey di ba... pero dahil nakarating na ako sa meeting place namin, hindi ko na naisip kung ano nga ang top five ko... hehehe...

    Heto na, pagdating sa ofis, may nakausap akong sister, e hindi ko napigilan na magkuwento ng tungkol nga sa usapan namin noong umaga.. ayun nga, tinanong niya, ikaw, ano nga ba ang top five mo... ang sagot ko.. sobrang pinag-isipan ko, in fairness, hehehe...

    1. matulog
    2. matulog
    3. matulog
    4. matulog
    5. kumain

    ang saya di ba... heto na ang binanat sa akin ni sister.. sabi niya.. ano ka ba, kaya tayo hindi nakakahanap ng gg, kase hindi natin sila sinasama sa mga usapan or pangarap natin (something to that effect)... ang sagot ko (pero hindi ako smart ha, hahahah).... ah ganun ba, dapat ba isasama sila, ok.. heto na ang revised top 5 ko...

    1. matulog kasama siya
    2. matulog kasama siya
    3. matulog  kasama siya
    4. matulog kasama siya
    5. kumain kasama siya

    at least kasama na 'siya' di ba, hehehehheeh...

    yun lang..

    pero bago ko pala tapusin, ikaw, para sa iyo.. ano nga ba ang top five na gawain na hindi ka magsasawang ulit-ulitin....

    hanggang sa muli.. ingat. God bless!!!


    Isinulat noong 05:57 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Sunday, August 24, 2008
    fireworks

    *** ang ganda naman dito.. sana may fireworks-fireworks din tayong napapanood noh...
    --- haler... hindi na po natin kelangan ng fireworks.. tingnan mo lang ang mga mata ni _______... daig pa ang kislap ng fireworks...

    hehehhee... ayos, panalo sa banat... e sumunod na eksena...

    *** hanggang kailan kaya ung mga fireworks mo sa mata... daig pa nga judas belt sa haba at tagal ha!!!!!

    at naisip pa talaga niya ang judas belt di ba... hehehehe

    at heto.. mainit-init pa ang balita.. kapag pala may fireworks ka sa mata... hindi ka masyadong makakatulog hane... mga 3 hours lang... hhhmmmnnn... ikaw ba naman ang kumikinang ang mga mata, bwhehehehehe....

    happy kame!!! at sa lahat.. ingat. God bless!!!

     


    Isinulat noong 03:36 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Wednesday, August 13, 2008
    More... (part 2)

    Heto ang katuloy ng kuwento ko....

    Ayun nga, kinabukasan, dahil hindi pa naman ako nakabili ng puting bible, at hindi ko alam kung ano talagang time nagbubukas yung tindahan, 8am e nasa bahay pa rin ako. At sa kadahilanang umuulan, mejo tamad na tamad akong kumilos. At dahil alam kong mejo matatagalan bago ulit ako makapag-online, nag-check muna ako, syempre, inopen ko ang ym, at julie vega ang drama ko... sabi ni rolly, bakit daw  naka-ym pa rin ako at hindi pa umaalis sa bahay... hayun, e di nakatikim siya... pambihira.. hehehe...

    Pagbaba ko ng bahay namin at nagpapaalam na ako sa nanay ko, inalok niya pa akong mag-almusal at magbaon ng tinapay... e sa totoong buhay, hindi ako fan ng mga tinapay namin, hayun, tinanggihan ko ang kanyang alok, although at the back of my mind, naiisip ko ng pagsisihan ko ang hindi ko pagdadala ng tinapay, bwehehehe...

    Mga 8:30 am, andun na ako sa bilihan ng bible, at dahil pinagpala talaga ako, naabutan kong bukas ang tindahan, yehey... at dahil andun na rin lang ako, binili ko na yung pinagbilin na Kerygma kahit na nga ba parang the irony of it, kelangan ba talagang makarating sa Surigao ang Kerygma, hehehehe...

    Nakarating ako ng Baclaran, ilang minuto past nine... at dahil mejo naiwan ko ang iq ko, ayun, super nagtanong ako kung paano pupunta ng terminal 3, e nung sinabi sa akin na sa may simbahan lang daw ang sakayan papunta doon (at nag-da-doubt ako kung terminal 3 nga ba ang pupuntahan ko, ang kulit kase ng pinsan ko, pero pinaniwalaan ko pa rin ang sinabi nung mga taong imi-meet ko di ba, heheheh.. kaya terminal 3 pa rin talaga ang hinanap ko), naisipan kong lakarin na lang, kase if my memory serves me right, malapit lang ang simbahan ng Baclaran sa lrt di ba... not realizing na malayo rin pala kapag may bitbit kang travelling bag na napakabigat, heheheh...

    Hayun, habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep, kung anu-ano ang naiisip ko.. kesyo bakit kase hindi na lang ako magpedicab, sabi ng kabilang isip ko, malapit na lang.. mag-taxi na lang ako, e malapit na kaya... umuulan, sumakay na ako, malapit na nga lang.. pawis na pawis na ako, matatanggal na ang braso ko sa balikat ko, ooooppppssss... may Watsons... heto nga pala ang catch, may nagpapabili sa akin ng disposable underwears, at nasuyod ko na ang mga tindahan sa lahat ng sulok na pinuntahan ko, wala pa rin, kaya pagkakita ko sa Watsons sa Baclaran, nagkaroon ako ng dahilan na bitawan muna ang aking mga dala at maghanap ng disposable panties, hehehe...

    Sabi ko nga, pinagpala talaga ako... at kelangan, ang mga pabili sa akin, kasama ko ring nag-ta-travel.. hayun, as in, saktong-sakto ako... merong 2 packs na parang inilaan talaga sa akin.. thank you Lord ang drama ko, hehehehe.. at siyempre, mejo nadagdagan na naman ng timbang ang aking bitbit.. ang saya...

    After ilang milyong panahon, nakarating din ako sa patutunguhan kong sakayan ng jeep... aysus... ang ikot... daig pa ang jeep sa up ikot, heheheh... sobrang ikot ito... only to find out na yung bababan ko pala na sinasabing dadaan sa terminal 3, kapag may bitbit kang mabigat e malayo rin pala talaga...

    Pero sa wakas ng panahon, nakarating din ako sa terminal 3.. pero teka, bakit arrival, tama ba ang pinuntahan ko??? yun, super ask ng million dollar question, yun pala, aakyat lang ng escalator...

    So, heto na.. super contact na sa mga taong kikitain ko... ang maganda nito... kumpleto na daw sila at ako na lang daw ang hinihintay... pambihira... kakahiya naman.. bwehehehe... sige po, andito na po ako... saan ko po kayo pupuntahan... ang instruction, nakapila na kame, pumasok ka na... huh.. ano daw.. napapaligiran kaya ako ng taong nakapila... naka-blue ako.. huwaaahhh.. .specific ito... dun daw sila nakapuwesto sa may nakalagay na cebu pacific... huwaaahhh to the nth power, terminal ata ito ng cebu pacific... sabi ko pa, dito po ako manggagaling sa escalator... sagot niya, ano.. walang escalator... huh... e dun nga ako nanggaling di ba... pumasok ka na... sa gate 2, sabihin mo yung papuntang cebu... super ask sa guard.. andiyan na po ang mga kasama ko sa loob, saan po yung gate 2... yung papuntang cebu.... dito... dito...

    Argh, nakapasok na ako... tinawagan ko na naman si tita... andito na po ako sa loob.. dun kame mismo sa tapat ng may nakalagay na cebu pacific, ako din po... may nakikita pa po akong mga stalls... ha.. tv, meron.. napapaligiran po ako...  at by this time, iniisip na niya na tatanga-tanga ako, heheheh... ramdam ko yun, bwehehhe.. eniweis, hindi ko masabi na magkita kame sa labas, pambihira, kase nararamdaman ko na yung inis sa boses niya.... sinabi ko pa na may nakikita akong mga lobo, only to find out na kahit saan ako bumaling, may lobo... ano ba ako.. specific nga....

    Pagkaraan ng ilang saglit, napalitan ang boses.. naging boses lalaki... hayun, sinabihan ako na magpunta daw ako sa information at dun kame magkita.. marunong naman ako sumunod sa instruction di ba... wala pang ilang sandali, nagkita na rin kame, sa wakas... o di ba.... panalo.. hehehehe...

    Pagkatapos ng mahabang-mahabang pagpili sa check-in counter, kase pasensya na daw at kulang sila sa tao, kaya hindi pa ganun ka-organize, blah blah blah, dahilan ba un??? nakapasok na rin kame.. at heto ang catch (ulit).. delayed ang flight namin... argh to the nth level... tama ba yun... at dahil hindi pa ako kumakain, heto na, naisip ko bigla ang mga tinapay namin.. tinipid ko ang sarili ko nung nasa airport na, kase ba naman, mapagsamantala ang mga tao, hmph, hehehehe.. pambihira...ang tubig, 50 pesos.. haler, kamusta naman yun di ba... wag na lang isipin na nauuhaw, hahahah....

    After sometime, nakaalis din kame.. mas matagal pa ang pinaghintay namin kesa sa pinagbiyahe namin... panalo... hahahha... nakarating kame sa cebu, mga 3pm na ata.. kaya mga ganung oras kame nakapagtanghalian.. ang saya di ba, hehehehe... stopover kame sa jollibee bago tumuloy sa pier, para sa biyahe naman papuntang surigao... 7 pm pa daw ang alis...

    Heto ulit ang nakapagpawindang sa amin (by this, may nakilala na akong pedeng ka-chummy-chummy ko, hehehe.. si jen, ofismate ni talah na taga-dubai... at least hindi ko na kelangan i-impose ang aking presence, bwehehehe)... 7am pa raw kame makakarating sa surigao.. hhhuuuwaaattt... ganun katagal ang biyahe.. at isa sa comment ni jen.. ano ba ito, pang-maalaala mo kaya ang setting natin (with matching teheras and everything, hehehehe)...

    Ang kulit... hehehe... mga eksenang hindi malilimutan....

    Noong nasa pier kame, siningil pa kame ng terminal fee, kaya hayun, imbes na dumiretso kame dun sa pinaka-pantalan, dumaan muna kame ng terminal nila, heheheh....

    In just a span of one day, I was able to travel using land, air and sea transportation... tricycle, lrt, jeep, airplane, bus, boat.... what else can I asked for??? so blessed, right Shades

    Sa airport terminal 3, makakakita ka ng white board na pinagsusulatan ng gate kung saan ka dadaan... pero pede pa rin mabago, kaya hihintayin mo na lang yung mga nag-wo-work dun na isigaw ang flight mo... tipong, tagbilaran, tagbilaran... davao davao... blah blah blah.... uu.. may barker, bwehehehe....

    Ang biyahe ay 12 long hours, at hindi pala masarap magbiyahe ng ganun kapag hindi ka prepared... pambihira.... nasaan na nga ba yung tinapay na pinapabaon sa akin??? hehehehe....

    Next time ang kasunod na kuwento, hehehehe... ingat. God bless!!!


    Isinulat noong 04:57 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Tuesday, August 12, 2008
    More...

    At dahil madami pa nga akong kuwento, heto ang iba pang mga stories worth telling Smile at kahit na tipong pauilit-ulit ko ng naikuwento, ikukuwento ko pa rin di ba, heheheh... malay ko ba naman kase kung naikuwento ko na ito sa lahat...

    Sa mga hindi pa nakakaaam ng kuwento tungkol sa pangyayari noong magpunta ako ng Surigao... heto na... malalaman niyo na, heheheh... pero ngaun ko lang naalala, prior pala sa pagpunta ko sa Surigao, meron pa ring stories na worth to tell, bwehheheh.... heto muna (at mamaya, itutuloy-tuloy ko na)...

    August 1, dahil huling gabi ko sa Manila, nagpasama ako sa pinsan ko na pumunta sa CFC center dahil meron pa rin akong nakalimutang kuhanin... sabi ko sa kanya, sandali lang ako... hayun, hapon na kame nakarating dun... at in fairness, sandali lang talaga kame... pero dahil habang nagbibiyahe kame ay nag-text ang isang ka-sister ko na nagbabakasyon din at na nandoon daw sa megamall... kung pede nga raw meet kame, kase miss na kaya namin ang isa't-isa... siyempre, hindi ako nakatanggi di ba... at sabi ko pa rin sa pinsan ko, sandali lang kame.. hinihintay kase ako ng pamangkin ko dahil manonood nga kame ng sine dahil wala ng natitirang araw para gawin ko yun....

    Heto na, kung alam niyo kung nasaan ang CFC center, alam niyo rin na alanganin ang layo ng Megamall... tipong masyadong malapit kung sasakay ka ng taxi, mahirap sumakay ng bus dahil alanganin ang bababaan mo, pero malayo-layo din kung lalakarin.. kaya ang napili namin, lakarin na lang...

    Hayun, habang naglalakad kame, super text si bride, kung pede daw bilhan ko siya ng white bible... (e sa Tayuman lang ako nakakita ng ganun), at maya-maya, nag-text ulit, pati na rin daw hair dress... Pambihira, sabi ko nasa labas ako at mejo busy, sabay tinanong niya kung nasaan daw ako... siyempre, sinagot ko nasa megamall at imi-meet ko nga si sister... aba, ang sagot sa akin, tamang-tama daw, kase meron daw Wedding Library dun.. ang saya di ba... hayun, pagka-meet namin kay sister, inanyayahan kameng kumain at hindi naman kame tumanggi, pero dahil abala pa sila sa pamimili, sandali kameng nagpaalam para bumili nga ng hairdress...

    Pagkabili ng hairdress, hindi ko namalayan na nasira na ang sandals ko... hindi na ako kinaya at bumigay na siya.. hayun, saka ko lang din naisip na bumili noong papunta na ng kainan... si pinsan, pinapaalala sa akin ang lakad namin from Megamall... at sabi ko kakain lang kame...

    Habang kumakain, panay na ang text ni pamangkin kasama si isa pang pinsan... tinatanong kung nasaan na kame... lfs daw ay 9pm... at mag-e-eight na nun... e haler, kamusta naman ang distansya ng megamall sa san lazaro di ba.... pero sabi ko nga sa pinsan ko, manalig lang siya na aabot kame, siguradong aabot kame (kase at the back of my mind, alam kong may commercial pa, saka kakanta pa ng Lupang Hinirang, heheheh)...

    Siguro, nakalabas kame ng Megamall ng 8pm, kaya lakad takbo kame papuntang Shaw Blvd MRT... heto ang catch, pagdating dun sa station ng mrt, sa mga hindi nakakaalam, meron dun hagdan at merong elevator.. kase po, mga 3 floors ang taas nun.. at para sa mga kagaya kong hindi physically fit, dapat, mag-elevator na lang.. e si pinsan, naghagdan, kaya hayun, sinundan ko, tama ba yun... at habang paakyat kame, naging milya-milya ang layo niya sa akin, aba, at paglingon, pinagtawanan ako... kase ba naman, nakapangunyapit na ako sa balustre ng hagdan (yeah, imagine that, heheheh)...

    Nakasakay na kame ng mrt, panay pa rin ang text ng mga naghihintay sa amin.. hayun, puro pambobola ang sagot..  tipong malapit na kame, pero parang kakasakay pa lang namin sa mrt... hehehe....

    Habang hinahabol namin ang lrt, dahil 9 pm nagsasara, panay din ang dasal namin na umabot kame, hehehehe.. and yes, amazing race ito, hehehehe.. hayun, pagdating ng tayuman, imbes na lakarin na lang papuntang sm san lazaro, nag-tricycle pa kame... at heto pa ulit.. pagdating sa sm... ang tanong ko, kaliwa tayo kanan... kase magkabilang dulo kaya ang sinehan... kumaliwa si cousin only to find out na sa kanan dapat.. wow.. wasted precious moments ito, hehehehe...

    Pagdating sa sinehan, sinalubong na kame.. hayun, super upo na kame... only to find out na 930 pa pala ang start.. ang saya di ba.. nautakan kame... wag nga naman petiks, hehehehe....

    At this point, wala pa rin nga pala akong nabibiling bible.... at sarado na ang mga tindahan, by the time na natapos namin ang panoorin sa sine, hehehehe...

    Ang susunod na kuwento, abangan... (sensya, hindi pa ito ang kuwentong airport, hahahah)...

    Sige, hanggang sa muli.. ingat. God bless!!!


    Isinulat noong 01:06 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Thursday, August 07, 2008
    Adik

    At dahil mejo na-miss ko ang blogworld, heto ulit ako, super mag-a-update... pero bakit kanyo adik ang title....

    Dahil as of the moment, andito ako sa airport sa Singapore at nag-a-avail ng free internet... hindi ko na rin kase tinry na lumabas kase mejo parang bitin naman yung oras.. pero kung maghihintay ka e mejo mahabang paghihintay.... kaya heto.. update na lang ako di ba...

    Btw, bakit pa nga ba adik.... adik dahil as of the moment, parang 3 days na akong walang humpay na nag-ta-travel.... siyempre, super tinatanong niyo kung bakit di ba....

    Heto yun, sa mga hindi nakakaalam, umattend ako ng kasal noong Aug 4... at dahil sa Surigao yun gagawin, mejo may katagalan ang biyahe, hindi kase kame nai-book para sa direct flight, ang kuwento tungkol dun... sa susunod na lang at nag-di-digress ako, heehhehe...

    Eniweis, pagkatapos ng kasal, kinabukasan e umalis din kame ng Surigao, pero bago yun, sinamantala ko muna ang beach dun, kaya as of the moment din, may sunburn ako... sa iba ulit ang kuwento nun, heheheh...

    Aug 5 ng 7pm, bumibiyahe na ang barko, papuntang Cebu... nakarating ng Cebu ng Aug 6, 6am... pagdating sa Cebu, nagpatay ng oras at bumiyahe naman papuntang Manila... sakay ng Cebu Pacific (na may another kuwento), nasa Manila ng bandang 1:15pm... nasa bahay ng mga 3pm.. ginawa ang mga last minute preparations... Ngaung Aug 7, bumiyahe papuntang Dubai, via Singapore Airlines, with a stopover dito sa Singapore, at heto nga, nananamantala na magpost naman dito... ang saya di ba.... bale ba, in the span of 3 days, nasakyan ko ang lahat ng mode of transportation, tama ba.. yun yung by sea, land and air... ang saya... kaya, masisisi niyo ba ako kung bakit adik ang nilagay kong title, hehehehe....

    Ang mga kuwento tungkol sa aking mga naging adventures at sa akin pang kakaharaping adventures... abangan...

    Yun lang muna.. ingat. God Bless!!!!


    Isinulat noong 04:53 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Tuesday, July 29, 2008
    Random Kuwento

    Heto ang ilan sa mga kuwentong umaaliw sa akin....

    Habang papunta kame kahapon sa La Mesa Ecopark, hindi napigilan ng aking pamangkin na magcomment:

    Pamangkin:   Tita --------- di ba diyan kayo dapat pupunta, tinatanong mo kay daddy dati...

    Paglingon namin, bweheehhehe.... 'CLASSMATE' pala yung tinuturo ni pamangkin...

    Haler, akala pala ni Tita --------- ay comedy bar yun...

    hahahah, hayun, asar talo tuloy siya sa amin Angel

    Next:

    Inuutusan ko si kapatid na bumili ng peanut sa kanto... maya-maya, bumalik, walang dala... tinanong ko, wala daw... nakita daw niya....

    bwehehehe... ang tanong, paano nakikita ang wala??? huh....

    More:

    Nagkukuwento si pinsan... inliabas daw niya sa loob.... pede ba yun???

    E sinong makakalimot sa kuwentong ito:

    Bigyan mo daw ng po si ------ kelangan niya sa kotse... teka ano ba ang gagamitin niya, yung ferrero????

    Sa hindi ko malamang kadahilanan, heto ang mga kuwentong napupulot ko dito sa aking bakasyon... hmmmmnnn.. hindi naman halatang nag-e-enjoy ako di ba, hahahha.... alam ko nga, marami pa akong kuwento, hindi ko lang talaga maisip kung anu-ano yun... kaya hanggang sa susunod na lang ulit.. ingat. God bless!!!




    Isinulat noong 07:14 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Wednesday, July 16, 2008
    Ang Velcro

    Nasa Dubai pa lang ako, malimit na akong maghanap ng body/buddy bag. Nahihirapan akong maghanap, kase ang gusto ko e yung walang velcro (sa mga hindi nakakaalam kung ano yung velcro na sinasabi ko, pakihanap na lang yung meaning or sa iba na lang kyo magtanong, hirap magpaliwanag eh, hahaha).

    Eniweis, one time nga na umuwi ng Pinas yung isa sa mga jetsetter kong kaibigan eh nakipabili pa talaga ako at kabilin-bilinan ko nga e yung walang velcro. Although maganda yung nabili nya, siyempre, favorite color ko ba naman, hindi ako masyadong satisfied kase hindi siya masyadong malaki, hahahha...

    Pagdating ko ngaun dito sa Pinas para sa aking bakasyon, hindi ko maiwasang iyon din ang hanapin, lalo na at ang aking paboritong bag ay mukhang inarbor na sa akin ng magaling kong kapatid.

    Heto na, noong nagpunta kame ng Trinoma, kahit ako pa lang ang nag-iikot, naghahanap na rin talaga ako nung bag... At noong na-meet ko na ang mga i-mi-meet ko, ayun, pagkatapos kumain, e nag-ikot ikot kame sa mall, habang panay ang kuwentuhan, at nasabi ko nga na naghahanap ako ng bag....

    Pagpunta namin dun sa isang sports shop, meron akong nakita.. iyong tipong, tamang-tama lang sa akin... nagandahan na sila, yun na talaga, walang velcro (dahil yun lang talaga ang pangunahing requirement ko di ba), although hindi siya black, mapapatawad ko na siya... ang tatak Northface.... (tama ba spelling guys??? heheheh).... at ang presyo, P2,500./-

    Siyempre, kung kilala niyo ako, ilang beses ko yung pag-iisipan di ba.... noong tinanong ko yung isa sa mga kasama ko, sabi niya, kung may iba pa daw kulay ok lang.... although sigurado daw ba ako... kase mejo may kamahalan nga siya di ba... at ganun pa yung tatak. Sabi niya, pag-isipan ko nga raw, kase hindi nga daw masyadong maganda yung kulay.. tapos pinag-iisip niya pa ako.. kesyo, kapag nabasa daw kase yung ganung kulay, nag-iiba, kaya hindi maganda... pero dahil gusto ko na talaga siya, sinagot ko pa... wala namang ulan sa Dubai a, heheheh.... oh di ba, sumasagot pa... tapos sabi niya, maganda talaga tatak pa nga lang daw.... pero sabi ko, hindi naman talaga masyadong importante yung tatak.. ang gusto ko lang talaga, wala siyang velcro and tamang-tama na sa akin.... pero siyempre, kino-consider ko pa rin talaga yung price.

    Lumabas kame ng hindi ko nabibili, kase nga, pag-isipan ko nga raw mabuti... at maghanap kame ng ibang shop na nagtitinda ng ganung tatak, at baka meron ngang black.....

    Nakarating kame dun sa isang shop, hayun meron din, mas mura, pero hindi yun yung gusto ko... kakaikot namin, nakita namin yung pinaka-kapatid.. mejo maliit sa kanya, kaya lang, hindi nga yun yung size... so naghanap ang nagtitinda... at naku po.. ayun... same ng unang nakita namin... sabi ko, hindi kaya may ibig ipahiwatig sa akin... heto na talaga, bibilhin ko na... tinanong pa rin nila, kung sigurado na ako.... tapos tanong pa rin kung may ibang kulay, wala na nga raw, yun lang...... so, seryoso na ako.. itapon lahat ng mga logical things na natutunan, I was about to go the counter ng biglang....

    Pag-check ko sa likod... oooopppppssss...yung lock niya, velcro..... kaplang ka....

    Ayun, binitawan ko ng dali-dali ang bag, at tuluyang kinalimutan kumbakit ko siya gustong-gusto....

    Ang moral ng story sabi ng kaibigan namin... ganyan ka rin ba sa mga lalaki???? kaya naman pala....

    Waaahhhh... bakit ganun???? may connect... ang saya talaga, hahahahha..

    Eniweis hyways.. hanggang sa muli.. ingat. God bless!!!

    Isinulat noong 09:19 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Tuesday, July 15, 2008
    Ang kuwentong 'Buenafe'

    Sa mga hindi pa nakakaalam, ang original na pangalan ng bakery dito sa amin ay 'Buenafe Bakery'... hango sa pangalan ng bunsong anak ng tiyuhin ko... buena for buenas, I think, tapos Fe yung pangalan ng pinsan ko...

    Pagkaraan ng ilang taon, pinagbalakan nilang ibebenta na yung bakery, at ang libreng naggagawa ng sign board, nilagyan ba naman ng 'No Name Bakery'.... grabeng katatawanan ang nangyayari tuwing nakikita at nababasa namin yun, heheheh....

    Heto na ang kuwento, hinati na yung bahay namin sa tatlo, dahil sa 3 naman talaga nakapangalan yun...

    Bale, yung gitnang parte, hinati pa sa 2.. heto ang comment ng napaka-smart kong pamangkin... (sa kanila napunta ang number una, yung 2.0, kina Ate Ligaya, yung 2.1, kina Ate Fe at sa amin yung huli)... itatago ko ang pamangkin ko sa pangalang Angela, hahahha... btw, ang nangyari, puro sari sari store ata, tabi-tabi, hahahaha

        Angela:   Mama, andiyan yung naggagawa ng libreng pangalan, ano ipapangalan                     sa tindahan natin?

        Mama:    Ha... sabihin mo wag na lang... wala akong maisip e....

        Angela:  Eh di 'Bu Store' na lang...

        Mama:    Huh!

        Angela:  'Bu Store', tapos yung kina Tita Ligaya 'E Store', yung kina Tita Fe, 'Na                    Store' at kina Lola Lina e 'Fe Store'....

    bweheheheheh... ang halakhak ko habang ikinukuwento ito sa akin... smart kung smart di ba, hahahah..

    so yun lang muna.. hanggang sa susunod.. ingat. God bless!!!

    Isinulat noong 09:09 am Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Next Page