-- mahilig magbasa ng kahit ano, pero kalimitan mga romance pocketbooks
-- ipagpapalit ang pagkain sa pagtulog, hindi nga lang halata
-- direct descendant (ata) ni sleeping beauty (pero matagal-tagal na rin simula nung huli kong napatunayan, har har har)
-- harassed na harassed sa paghahanap ng maggagawa sa araw-araw (applicable na lang kapag wala ang mga amo at hindi ako kinukulit ng mga tao sa paligid, nyahaha)
-- miss na miss na ang maraming bagay. basahin ito
... po akong mamahinga. dahil sa katigasan ng ulo ko, kahit nakikita ko ng mangyayari nga ang nangyari, hindi ko pa rin pinakinggan... ayun, ang nobela ko, hindi ko na-i-post... e diniretso ko pa naman na dito gawin... walang draft draft..
Hay, life, thank you and praise God... at dahil napagod na ako... ayun nga, pansamantala, namamaalam ako... hindi ko alam kung gaano katagal... kung makakatagal nga ako... pero, basta, abangan niyo na lang din ang pagbabalik ko....
sa lahat ng mga friendly friends ko diyan... sa lahat ng mga super friends, hintayin niyo na lang din ang aking pagbabalik... promise, babalik ako, heheheh....
pero habang nananahimik ako, huwag kayong mag-alala... makiki-update pa rin ako....
Nakakainis nga, kase dapat dati pa ako nakapag-update. Kaya lang hindi ko alam kung ako ang may sira (kase given na yun) or yung connection ko, or yung pc or yung it namin (pero given din yun e, eheheheh).
Eniweis, ayun nga, bukod sa sobrang naging abala nga rin ako dito sa ofis, in the truest sense of the word, as in feel na feel ko nga na may work na nga ako, at pede ko ng ipagsigawan na hindi na lang ako guard dito sa ofis, e sobrang ang pangit pa ng connection ko. Huwaaahhh… bumibigay na naman ata ang pc sa akin. Why like this? (huh, eow… pangit, nyahahah)
Ang natatandaan ko, ang huling gusto kong ikuwento e yung nangyari noong shower party pa ni sis i.. e haler, nakailang shower party na ba ako ng na-attendan pagkatapos nun (kasama yung tinanggihan ko, mga 2, nyhahahah.. pero haler, in just a span of few weeks… weird di ba, hehehe).
Eniweis, kase naman noong gabi ng shower party na yun, ang daming kuwento, e tapos yung sumunod na shower party ang dami din kuwento… e paano pa yung ibang mga gathering at iba pang mga meetings and activities na napuntahan ko, aber, sige nga, kung hindi ba naman talagang napuno na ako ng kuwento… haaayyy…
Pero dahil maraming nag-aabang ng update kong sobrang uplate, ikukuwento ko pa rin di ba….
Ang unang kabanata: ang kuwento ng garlic press
Ako: sis, dadaan kayo ng al kabayl? Bilhan niyo naman ako ng garlic press. Yun na lang ireregalo ko.
Sis: sige, pero ano ba yun? Ako: malalaman mo rin… mababasa at makikita mo naman e… hehehhe
Heto ang kanyang garlic press na nabili….
isa pang picture, baka akala niyo kase malabo lang mata niyo, heheheh
Salamat sa iyo …muwahugz.
Ikalawang kabanata: ang kuwento ng pastas
Siyempre, shower party kaya yun, meron kameng binabasa… heto ang palitan ng usapan.
Sis: (hawak yung babasahin) o dali, makinig na kayo… how to use… toot toot.. toot toot…
Hala, wala na kameng naintindihan… comment ni sis2.
Sis2: ano yung toot toot. Yun ba yung plural ng ano nga yun, yung pasta?
Pagsagot ni isang sis
Sis3: ano yun? Pastas?
Huwaaahhhh. Ang kulit naman ni sis, hehehehe.
Ikatlong kabanata: Enter in The top of the world
Siyempre, dahil shower party, may games… meron isang game dun na may mga questions, tapos sasagutin ng bride… isa sa mga tanong…. Anong song ang _____________. E si sis, biglang sumagot.
Sis: Enter in..
E may nag-echo.
Sis?: tapos top of the world….
Huwaaahhhhh…. Para sa iyo ba ang kantang iyan, nyahahhahaha
Ikaapat na kabanata: ang kuwento ng perfect moments
Noong nag-ho-honoring na, heto na po sila kuya at ate… turn na nila… sabi ni kuya kay ate, sige mauna ka na… e di ayun nga, nauna na si ate.
Ate: blah blah blah… blah blah blah… always create your perfect moments… blah blah blah… Kuya: ay sinabi mo, akin yun e… yun ang sasabihin ko e.. Ate: ano'ng sa iyo… sabi mo kase mauna na ako e…
Ayan, kelangan una-unahan talaga ang labanan, hhhahahah… kaya nung turn na ni kuya.
Kuya: ano, ano… basta, don't forget to create your perfect moments…
Huwaaahhhh… hindi na nakapag-isip… nawala na ang flow of thoughts, hehehehe…. Naunahan kase ni ate sa paggawa ng perfect moments, nyhahahahah…
Kahapon, Biyernes na naman… as usual, abala na naman ako… sa sobrang natutuwa ako sa mga nagaw ko kahapon, heto ako, kuwento mode ulit, heheheh…
Pero siyempre, kapag weekend, hindi naman talaga, nag-start yun sa Friday mismo, meron pang Thursday ng gabi….
Dapat meron akong lakad nun, kikitain ko sana ang pinsan ko, kaya lang, tinamad akong lumabas, kaya sabi ko sa kanya, mag-tagalog mass na lang kame ng Thursday, tapos kung saan kame pupulutin, go na lang din (hindi niya alam, meron na akong plano, nyhahahahaha)
Ayun, Thursday night, feeling ko relaxing night lang siya, kase hindi ako umalis ng bahay. Super prepare pa nga ako ng tacos (ay nachos pala, wala kaseng taco shell e, heheheh). Tapos, habang kumakain nun, super panood ng korean novela (Only You).
Wala naman talaga akong balak tapusin yun nung gabing yun, kase nga feeling ko, nasa gitna pa lang ako, kaya lang, nung dumating si roommate, at nakita niya na nasa episode 11 na ata kame, sabi nya, malapit na raw matapos… Ayun, sa sobrang na-excite ako, kahit late na, sige, tapusin na lang din, kase hanggang episode 12 lang daw yun.
Heto ang catch, natapos na ang episode 12, ala, merong episode 13… sabi ni roommate… ay may 13 pala… pero, malapit na yan matapos… hayan na nga yung kuwento, blah blah blah…
Siyempre, kahit alas-2 na ng madaling araw, sabi niya matatapos na daw, so anong expected na gagawin, ayun, tapusin ang episode 13… nung matapos… hala… merong episode 14.. e alas-3 na kaya yun, at maaga pa kaya akong gigising dahil nga magsisimba ako ng 1230pm di ba…
Huwaaaahhhh.. ayun, kahit bitin na bitin ako at kahit parang pinaasa lang ako ni roommate at kahit naririnig ko pa kung nasaang part na ng story, deadma na siya… borlog na ang drama ko, nyahhahaha…
At dahil ilang Fridays na rin naman na maaga akong nagigising, nasanay na siguro ang katawan ko na kahit late na natulog e maaga pa rin nagigising…
9am, gising na ako, so ano ang gagawin ko??? Matulog ulit.. nyahhahaha… 10am.. nagising na naman ako… tulog ulit.. pagpatak ng 1030am… sige na nga, babangon na nga ako at makakain na…tom jones na ang drama ko, nyhahahaha…
Pagkaluto ng napakasarap na instant pansit canton, nyahhahah… at pagkatapos ng pakikipagkuwentuhan, naligo, nagbihis and off we go to church na…
In fairness at in fairview, kahit sakto lang ang dating namin sa church, meron pa rin kameng naupuan… ang galing….
Siyempre, magkikita kame ng pinsan ko di ba… e hindi na kame nagkakitaan before mass, kaya ayun, pagkatapos na lang ng mass di ba, hehehe… super locate na lang, nyhahahaha..
At sa wakas, pagkatapos ng ilang buwang hindi pagkikita… ayun, reunion, nyahhahaha.. siyempre, inaya ko siya na samahan ako… ask ko kase kung ano gagawin niya… e ako daw bahala, hayun, ako pala bahala ha, e di ba, may plans na nga ako, nyahahahah…
Pumunta kame sa independence day celebration na ginanap sa al nasr leisureland… at ang kulit ng mga pangyayari bago, during at pagkatapos ng aming stint doon… nyahahha.. stint talaga??? Sa ibang kuwento ito, at mejo mahaba… heheheh..
Pagkagaling namin dun, diretso naman kame sa city center… siyempre, tom jones ulit kame di ba, hehehehe… ayun, super nagpalibre pa talaga ako sa aking pinsan, nyahhahah.. pagkatapos, dumiretso kame sa carrefour para mamili ‘daw’, nyahhaha… ‘daw’ kase nangulit lang din naman kame… in fairness, meron din naman akong nabili, nyahhahaha…
Pagkatapos nun, bale apat na lang kameng magkakasama nun.. ayun, dumiretso na kame sa taxi stand.. pero dahil sa free taste, ayun, napabili pa tuloy.. ang kulit talaga, hehehehe…
At siyempre, imbes na magsabay-sabay kame sa isang taxi, at dahil masyado ng mahaba ang araw para sa aming apat, hiwa-hiwalay muna ulit, nyhahahahah…
Yung aking pinsan, didiretso na raw ng uwi… yung mag-asawa, didiretso na rin ng uwi… at ako… siyempre, meron pang evening activity di ba… diretso ng sheraton deira… ang saya…
Pagdating ng sheraton deira… clp na… yey… relax muna dapat… hindi pa rin pala… hehehehe… kung ano-ano pa rin pala ang gagawin, nyahhaha… pero siyempre, masaya pa rin.. dami din nakausap na mga ka-sisters and brothers… dami din mga narinig na mga kung anik-anik… and then, tapos na ang talk 7… congrats sa buong service team.. kudos…
Pagkatapos ng clp, hindi rin naman didiretso ng uwi.. need pa mag-celebrate ng birthday ni anakis di ba… at imbes na sa pizza hut.. hala… sa pizza company.. ang saya, nyahahaha… at siyempre, babatiin ko na rin ang may kaarawan... HAPPY BIRTHDAY TESHA (fyi, kahit hindi pamilyar sa inyo yung name, dahil sa madals na siya ang topic ng kuwento ko, promise, kilala niyo siya, nyahahaha... may God grants the desires of your heart... muwahugz.)
At siyempre, kulitan to the max na naman… kung anu-anong nakakatawang bloopers na naman (pero ibang kuwento ulit.. kapag sinipag ako, nyahahah)..
At nakauwi na ng bahay ng mga bandang 1am na ata…
Kaya ngayong umaga, imbes na 830am ang pasok, dumating dito sa ofis ng 945, nyahahaha.. at imbes na mag-trabaho, nag-blog.. panalo…Mission Accomplished nga, nyahahah…
Ang inyo pong mababasa ay tunay na nangyari, patnubay ng magulang ay kailangan (hahahha).
Heto ang part ng e-mail na kumalat sa buong service team:
CLP Batch 27 Talk 6 - 8 June Sheraton Deira,along Al Muteena Rd., 7PM
Siyempre, walang mag-aakala na masyado itong magiging kontrobersiyal di ba… bakit kanyo.. heto ang reaction ng isang sis.
Scene: Magkakasama ang magkaka-hh papunta sa hh nila.
Sis1: ‘nay, sinabi po ni sis2 sa mga anak niya na 3 talks daw tayo. ‘Nay: ha??? Bakit 3 talks.. ang haba nun.. bakit mo naman nasabi yun.= Sis2: kase nakalagay po sa e-mail e… (heto po: CLP Batch 27 Talk 6 - 8 June)Sis3: buti nga po hindi na siya sumagot sa e-mail e. (e may record si sis2 na reply 2 all, tipong kakulitan lang, nyahhaha) Sis2: sinabihan ko nga po yung participant ko na kelangan niya na umattend kase ilan na yung absent niya, e madami na siyang ma-miss…
Nyahahhahaha… ang kulit di ba…
Kinabukasan, hindi ako nakatiis na hindi sabihin sa assistant teamhead (at) at kay kanang kamay (kk) (btw, si kk yung nag-send ng e-mail ha) niya yung tungkol sa insidente, pero sabi nga ni at, hindi lang daw si Sis2 ang biktima nung e-mail na yun, pati daw si sis G (itago talaga natin siya di ba, g for ------, hehehe, who is may record din.. kaya ayun, super tawanan, ang kuwento tungkol sa mga ito, separate.. kapag nagka-oras na ako, nyahhaha)…
Ayun na, natapos na ang talk 6… pagkaraan ng isang linggo nagkaroon ng natcon… wala agad talk 7…. Heto naman ang part ng private e-mail ni bro1:
hindi rin nag babasa ng email yung mag fasi noh! hehehehee ang kulit tinananong pa kung saan yung venue this friday eh db na email nyo na talk 6-8 sa sheraton diera hehehehe db po.
Hahahahahhaha… asar talo sa email si bro1… ayun tinawagan ko sa at at kk… sobrang tawanan talaga promise… ang tagal ng buhay ng usapan di ba, nyhahahahhaha.. as in… at nung huli, pagkatapos dipensahan ni kk ang kanyang ine-mail… inamin niya na rin na pagkakamali niya yun, hehhehehehehe….
Pero teka… paano nga ba talaga dapat I-I-interpret ung email…heto ang part ng sagot ko kay bro1:
yung email na yun, talk 6 - 8 June...
parang ganyan pagkasulat di ba.... ibig sabihin niyan talk 6 - 8th June 2007... hindi ibig sabihin e talk 6 - 8... kamote ka... adik... ehheehehehehhe... ayos ka a...
hahahhaha.. hindi ko lang talaga matiis na hindi ikuwento.. promise… ang haba ng buhay nito.. mga isang buwan??? Nyahhahaha…
yun lang po..wish ko lang nakasunod kayo di ba, nyahahha... salamat. Ingat. God bless…muwahugz.
kainis naman, may sumama pa, imbes na kame na lang ng mga ka-sis ko e, hehehe... si 'kabayan' talaga... eniweis, ako, arleene, tesha, rolly (aka kabayan), talah, lot, helen... huh, kulang pa rin pala kame dito... kaya pala andito si 'kabayan' hahhahaa
heto kasama mga gg... hmmmn... mag-gg din kaya yung 2 bro sa likod, nyahhahaha... bro edmund, cris, rolly, talah, lot, clark, me, marilen, joel, arleene, tesha, helen.
with gnet and jap
nakakuha din ng puwesto... helen, arleene, talah, lot, marilen, me, tesha at siyempre mawawala ba ito, e napagalitan ako dahil dito, nyahahhaha...
at isa pa...
hayan.. need i say more??? kelangan pa bang ikuwento??? hahhahaha... hayaan na lang na ang mga pictures ang magsalita....
Kagabi, habang nagkukuwentuhan kame ni roommate na-open na naman yung tungkol sa childhood sweetheart… abala kase siya sa pagpapakita ng mga pictures niya. E ang lola mo naman, abala din sa pagtingin ng mga larawan.. ayun, super interview, kesyo sino ang kasama sa pics… saan kinuhanan, blah blah blah… sa madaling sabi, super sa comments, nyahhahah…
E may isang picture siyang pinakita, sabi niya, yung kasama daw nung bestfriend niya, yun daw yun kanyang childhood sweetheart…
Heto ang drama ko… napaisip na naman ako.. bakit ganun.. hindi naman deprived ang aking kabataan a… kung tutuusin, masaya nga ang aking kabataan… naranasan ko rin naman maglaro sa baha (tumaob pa nga yung planggangang sinasakyan ko nun, kaya super sa swim talaga sa baha di ba, e hindi naman lahat nakaranas nun, hahahhaha)… naranasan ko rin naman umakyat sa puno… naranasan ko rin maglaro ng piko, patintero, prigidam, tumbang preso, atbp…
Promise, naranasan ko rin naman yung mga ganun, pero bakit pagdating sa childhood sweetheart, parang wala naman ako nun, nyahahha… asar talo pa nga ako, kapag yung ibang mga friends ko yun ang pinaguusapan, tapos sinasabi ko nga sa kanila, na wala akong childhood sweetheart, hehehehe…
Kagabi nga, ayun, nung sinabi ko yun, hindi ko na napigilang itanong… ano ba ang definition ng childhood sweetheart (heheheh)…
At siyempre, si roommate super explain siya….
At ayun nga, naliwanagan ako..
MERON din akong childhood sweetheart 'no, nyahhahahaha…
Wala lang, gusto ko lang sabihin yun… all along, meron nga pala din ako, hehehehe… gusto ko lang ipagmalaki.. Yun lang po.. salamat.. ingat. God bless!!!
Kahapon habang pauwi kame galing sa office, heto ang aming kuwentuhan (apat nga pala kame sa sasakyan including yung nag-da-drive):
Ofismate1: girl, buwan-buwan ka ba nagpapadala sa inyo?
Me: hindi naman… tipong every other month.. iniipon ko ba muna, hehehehe.. sayang naman kase yung dhs. 15./-…. Magkuripot ba, heheheh Ofismate1: bank to bank ka ba nagpapadala? Me: hindi… bakit? Ofismate2: paano ka nagpapadala? Me: ano... exchange to bank. Ofismate2: ano’ng exchange to bank? Me: kase di ba, hindi naman galing sa banko dito yung pera… galing sa mga money exchange… e kaya hindi siya pedeng tawaging bank to bank… Ofismate3: (hindi nakatiis na mag-comment) ano yun.. meron bang ganun.. nag-iimbento ka lang e… bago yun a…
Hayun, tawanan tuloy kame.. kase kahit ako hindi ko alam kung may ganun, nyahahhaha.. ang kulit lang ng kuwentuhan, hehehehe… kahit kase ako parang nung nakapag-isip na ako… hindi naman talaga tamang tawaging bank to bank di ba, hahhaha.. kaya lang, parang mali pa rin na exchange to bank ang itawag, hahhahaha…
Yun lang po muna.. hanggang sa muli. Ingat. God bless!!!