jewel
Female
Philippines




Isang tao na
-- mahilig magbasa ng kahit ano, pero kalimitan mga romance pocketbooks
-- ipagpapalit ang pagkain sa pagtulog, hindi nga lang halata
-- direct descendant (ata) ni sleeping beauty (pero matagal-tagal na rin simula nung huli kong napatunayan, har har har)
-- harassed na harassed sa paghahanap ng maggagawa sa araw-araw (applicable na lang kapag wala ang mga amo at hindi ako kinukulit ng mga tao sa paligid, nyahaha)
-- miss na miss na ang maraming bagay. basahin ito





iba pang blog
  • bloopers
  • bulitas
  • cidie
  • clown1796
  • cutepsycho
  • del
  • edmund
  • eriz
  • friendsterblog ko
  • ghe
  • gracie
  • hance
  • jeanette
  • kc
  • kukote
  • lei
  • lojika
  • luisa
  • lyn
  • misty
  • purple princess
  • roy
  • ruth
  • skulgirltrxko
  • tambayan ko
  • tekla
  • thei

  • iba pa nilang blog
  • eriz2
  • gracie2
  • marhgil
  • textmate





  • photos

  • pictures namin









  • GGentle
    IInspirational
    NNormal
    AAwkward

    Name / Username:

    Name Acronym Generator
    From Go-Quiz.com







       

    << July 2007 >>
    Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
    01 02 03 04 05 06 07
    08 09 10 11 12 13 14
    15 16 17 18 19 20 21
    22 23 24 25 26 27 28
    29 30 31




















    Go to ImageShack® to Create your own Slideshow

















    Bakit nga kaya ganun?

    Sinasabi natin na ang gusto lang natin e maging masaya

    Pero patuloy naman nating sinasaktan ang ating sarili

    Masokista ba talaga tayo?

    Bakit iba ang sinasabi mo sa ginagawa mo?

    Bakit iba ang ginagawa mo sa gusto mo?

    Hanggang kelan mo sasaktan ang sarili mo?

    Hanggang kelan mo papabayaan na ganyan ka lang?

    Hanggang kelan?

    Hanggang kelan?

    Hanggang kelan?

    Subukan mo kaya ngayon

    Umpisahan mo kaya ngayon

    Kaibigan, kaya mo yan

    Kung hindi ikaw, wala namang iba

    Tandaan mo, bukod sa amin, andiyan SIYA

    SIYA mismo, hindi mo na kelangang maghanap

    Naghihintay lang na kapitan mo



    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



    rss feed


    Tuesday, July 17, 2007
    Truth or truth

    Noong huwebes, 12th July 2007, nagkaroon nga kame ng bonding moments with our housemates. Actually, plano pala nila na I-surprise ako. Malakas din trip ng mga super friends ko e…

    Kung inyong napapansin, panay ang attend ko ng shower parties di ba… e naririnig nila akong nagtatanong, kelan kaya ako magkakaroon ng sariling shower party… Ayun, napagkaisipan at napagkaisahan nila akong I-surprise nga.. shower party ko raw, nyahahhaha… isa't kalahating aning talaga.. hehehe… kase paanong shower party… meron na ba akong fiance??? Heheheh.. ayun, si labs (aka, ron, yung ka-housemate namin) daw ang I-partner sa akin… ayos… (at in fairness, labs talaga di ba… ehhehehe)

    E kaso mo, sa sobrang surprise nga, bago pa nangyari, sobrang kung anu-ano nang pagod ang nararamdaman ko, heheheh.. kaya tuloy, hindi 100% ang aking energy… kahit sinasabi nila na magparticipate ako, deadma lang, hehehehe.. yun kase yung araw na drama mode na naman ako… (kungdi ba naman drama mode, umiyak ba sa harap ng computer sa ofis??? Heheheh, artista???)

    So ayun nga, imbes na shower party, naibalik sa unang purpose, which is bonding moments nga with the housemate… e ang kukulit, hindi magkaintindihan kung paanong magkakaroon ng bonding moments, kung anu-ano ang suggestion, hehehehe.. basahin dito yung ibang part.

    Eniweis, bakit truth or truth.. e sa kagustuhan kase naming magkakilanlan ng mabuti, ayun, naglaro kame ng truth or consequence.. oo na, bagong-bago talaga ang aming laro, heheheh…

    Heto na, siyempre, yung mga nauna, truth lang ng truth, kase parang mas madali namang umamin, or rather, mas madaling sumagot ng tanong, kesa pag-tripan ka sa mga consequences na ihahain sa iyo… saka kase nga ang aim ng laro is maging open sa lahat para lalong maging close, nyahahaha.. ano ba talaga open or close… di bale, alam ko naiintindihan niyo ako, hhahahaha..

    Madali lang ang laro, kapag truth, pede ka pang mamili ng isang tanong sa mga ibabatong tanong sa iyo… isa lang… kapag consequence, patay, kase hindi mo alam kung ano ang ipapagawa, hahaha..

    Kaya nga ayun, halos truth lang ang pinipili… Pagdating dun sa isa, heto ang masaya, nag-consequence…

    Ang consequence….

    Sasagutin ang LAHAT ng ibabatong tanong, nyahahahhahah…

    So, ayun ang kuwento ng truth or truth… ang saya di ba, hahahaha… so anong moral ng story?? heheheh...

    Sige, hanggang sa susunod na lang ulit na kuwento. Ingat. Muwahugz. God bless!!!


    Isinulat noong 06:58 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Sunday, July 15, 2007
    Jampacked

    Paunawa, hindi po ito isang araw lang sinimulan, obviously, kaya please bear with me na lang, nyhaahahahaha..

    Kahapon, Friday the 13th, ang latest na sked na hindi ko rin lubos maisip kung paano ko nalagpasan. Salamat sa strength Lord J Kaya bago ako lamunin ng kung anu-anong gawain, hayaan niyong mag-update naman ako ulit, hehehehe.

    Bago dumating ang weekend, sobrang pagod na pagod na ako sa kakaisip kung ko malalagpasan ang darating na Friday… bakit kamo, feeling ko, wala naman akong masyadong gagawin sa weekend na yun. Sa totoong buhay, sobrang excited pa kaya ako nun, hehehhe.

    Pagpatak ng Wednesday, aba at pagod na pagod na talaga ako (iniisip ko pa lang yun ha) sa mga mangyayari sa Friday….

    Pagdating naman ng Huwebes, marami na ang nagtatanong sa akin kung ano daw ang gagawin ko sa Friday.. ayun, dahil nga ayaw kong magdesisyon… iisa lang ang sagot ko sa kanila… hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa Friday… hehehe..

    Heto na, paguwi galing sa ofis, nagprisinta ako na magluluto ako ng carbonara, ayun, super luto, habang abala sa paglalaba.. hehehe…

    Nung matapos maglaba at magluto, sobrang pagod na talaga ang pakiramdam ko… Pero hindi dun nagtatapos ang gabi ko.. kase yun yung gimik night naming magkaka-housemate at sa hindi ko malamang dahilan, sinurprise nila ako… heheheh… Salamat sa inyo..muwahugz…

    Eniweis, bago nag-start yung gimik namin (kung saan sa bahay lang naman talaga kame at gumawa lang kame ng bonding moments), tinawagan ko ang mga ka-sis ko… sinabi ko na sige na… aattendan ko na lahat… ayun, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko e, hehehehe…. Hindi talaga ako marunong mag-say ng no.. nyahhaha…

    Natapos ang bonding moments namin, mag-1-1 am na ata… ang saya di ba… e ang call time sa akin sa Friday e maaga (hindi ko alam kung ano ang exact time, pero alam ko maaga, hehehe)… super set ako ng alarm ko ng 415am.. kase nga, walang sumagot sa akin, e ang natatandaan ko, 530 daw ang kitaan, nyahhaha…

    Pagsapit ng 415am… siyempre, super alarm ang mobile… pero dahil nga puyat, pagod, pagod at pagod at teka nasabi ko na bang pagod??? Hindi ko agad nakuhang bumangon… pagbangon ko, hala 5am na, nyhahahah… pasaway ever.

    Siyempre, late nagising, late bumangon, ano naman aasahan mo, e di late sa kitaan.. at ano naman sa palagay ko, importanteng tao ba ako para hintayin nila.. ayun, iniwan nila ako.. huhuhu… (pede bang bumalik na lang sa pagtulog???) e sinabihan ako na humabol nga daw ako… huwaaahhhh… wat to do?? Kahit ayoko sana, mas ayoko naman na parang hinila ko yung sarili ko na bumangon sa kama, tapos hindi naman pala matutuloy ang lakad ko. Ayun, super sunod naman.

    Pagdating sa kitaan, hindi lang naman pala ako ang late, buti naman, nyahaha. In fairness, dizon pa yung isa, hahaha… dizon, di zondo, nyahahha…

    Eniweis, ayun, kahit bad trip bad trip-an ang drama nung start, nakuha na ring mag-enjoy habang ginagawa yung photo shoot, hehehe..

    Pagsapit ng 8am, super go go go ago go naman kame sa leaders assembly. At siyempre, dahil gutom na kame at buti na lang may baon kame, habang bumibiyahe kame, kumakain din naman kame. Pagdating sa assembly, set-up, tapos nakinig na ng mga sharings….

    Pagkatapos ng assembly, off we go to sharjah, siyempre, tom jones pa rin ang drama ng mga lola mo, kaya lang late na kame, kaya hindi na namin nakuhang mag-lunch… kung anu-ano na lang na makakain, heheheh…

    Pagdating sa sharjah, super help (kunyari) sa pagse-set-up… tapos, start na rin sila.. super nakinig na rin kame. Then imbes na 1-4 lang siya, naging hanggang past 5 pa ata, heheheh… (yung mga kaganapan dun, utang ulit, hala dami ko na talagang utang, nyahahha).

    Pagkagaling sharjah, diretso sa bahay nina che-che.. nagpalit ng damit, dumiretso ng chowking para kumain, pero hindi masyadong nalasahan, pero masarap, kase libre, nyahahhaha.. kaya lang may halong pagmamadali pa rin, kase a-attend pa ng clp…

    Pagdating sa venue ng clp… set up ulit… then malalaman mo na walang kurdon ang laptop.. good luck kung tatagal, hahaha… ayun, hindi ko na ata nabilang kung ilang beses akong na-bad trip nung araw na yun.

    Pero at the end of the day, masaya ako. I was able to accomplished all the things na pagod na pagod akong isipin… pero promise, nakakapagod talaga.. hahahaha…

    So ayun lang ang kuwento ko, paumanhin, hindi na naman ata coherent, inabot kase ng ilang araw bago ko natapos di ba, hehehe.. eniweis, yun lang po.. hanggang sa muli. Ingat. God bless. muwahugz.


    Isinulat noong 06:20 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Sunday, July 08, 2007
    Pansamantala

    ... po akong mamahinga. dahil sa katigasan ng ulo ko, kahit nakikita ko ng mangyayari nga ang nangyari, hindi ko pa rin pinakinggan... ayun, ang nobela ko, hindi ko na-i-post... e diniretso ko pa naman na dito gawin... walang draft draft..

    Hay, life, thank you and praise God... at dahil napagod na ako... ayun nga, pansamantala, namamaalam ako... hindi ko alam kung gaano katagal... kung makakatagal nga ako... pero, basta, abangan niyo na lang din ang pagbabalik ko....

    sa lahat ng mga friendly friends ko diyan... sa lahat ng mga super friends, hintayin niyo na lang din ang aking pagbabalik... promise, babalik ako, heheheh....

    pero habang nananahimik ako, huwag kayong mag-alala... makiki-update pa rin ako....

    Ingat sa lahat. muwahugz. God bless!!!


    Isinulat noong 11:26 am Isinulat ni jewel
    (1) Ang nagtiyagang magbasa  

    Monday, July 02, 2007
    While I am away

    It's been a while since my last entry.

    Nakakainis nga, kase dapat dati pa ako nakapag-update. Kaya lang hindi ko alam kung ako ang may sira (kase given na yun) or yung connection ko, or yung pc or yung it namin (pero given din yun e, eheheheh).

    Eniweis, ayun nga, bukod sa sobrang naging abala nga rin ako dito sa ofis, in the truest sense of the word, as in feel na feel ko nga na may work na nga ako, at pede ko ng ipagsigawan na hindi na lang ako guard dito sa ofis, e sobrang ang pangit pa ng connection ko. Huwaaahhh… bumibigay na naman ata ang pc sa akin. Why like this? (huh, eow… pangit, nyahahah)

    Ang natatandaan ko, ang huling gusto kong ikuwento e yung nangyari noong shower party pa ni sis i.. e haler, nakailang shower party na ba ako ng na-attendan pagkatapos nun (kasama yung tinanggihan ko, mga 2, nyhahahah.. pero haler, in just a span of few weeks… weird di ba, hehehe).

    Eniweis, kase naman noong gabi ng shower party na yun, ang daming kuwento, e tapos yung sumunod na shower party ang dami din kuwento… e paano pa yung ibang mga gathering at iba pang mga meetings and activities na napuntahan ko, aber, sige nga, kung hindi ba naman talagang napuno na ako ng kuwento… haaayyy…

    Pero dahil maraming nag-aabang ng update kong sobrang uplate, ikukuwento ko pa rin di ba…. 

    Ang unang kabanata: ang kuwento ng garlic press

    Ako: sis, dadaan kayo ng al kabayl? Bilhan niyo naman ako ng garlic press. Yun na lang ireregalo ko.

    Sis: sige, pero ano ba yun?
    Ako: malalaman mo rin… mababasa at makikita mo naman e… hehehhe
     

    Heto ang kanyang garlic press na nabili….

     isa pang picture, baka akala niyo kase malabo lang mata niyo, heheheh

     

    Salamat sa iyo Smile…muwahugz.

    Ikalawang kabanata: ang kuwento ng pastas

    Siyempre, shower party kaya yun, meron kameng binabasa… heto ang palitan ng usapan.

    Sis: (hawak yung babasahin) o dali, makinig na kayo… how to use… toot toot.. toot toot…

    Hala, wala na kameng naintindihan… comment ni sis2.

    Sis2: ano yung toot toot. Yun ba yung plural ng ano nga yun, yung pasta?

    Pagsagot ni isang sis

    Sis3: ano yun? Pastas?

    Huwaaahhhh. Ang kulit naman ni sis, hehehehe.

    Ikatlong kabanata: Enter in The top of the world

    Siyempre, dahil shower party, may games… meron isang game dun na may mga questions, tapos sasagutin ng bride… isa sa mga tanong…. Anong song ang _____________. E si sis, biglang sumagot.

    Sis: Enter in..

    E may nag-echo.

    Sis?: tapos top of the world….

    Huwaaahhhhh…. Para sa iyo ba ang kantang iyan, nyahahhahaha

    Ikaapat na kabanata: ang kuwento ng perfect moments

    Noong nag-ho-honoring na, heto na po sila kuya at ate… turn na nila… sabi ni kuya kay ate, sige mauna ka na… e di ayun nga, nauna na si ate.

    Ate: blah blah blah… blah blah blah… always create your perfect moments… blah blah blah…
    Kuya: ay sinabi mo, akin yun e… yun ang sasabihin ko e..

    Ate: ano'ng sa iyo… sabi mo kase mauna na ako e…

    Ayan, kelangan una-unahan talaga ang labanan, hhhahahah… kaya nung turn na ni kuya.

    Kuya: ano, ano… basta, don't forget to create your perfect moments…

    Huwaaahhhh… hindi na nakapag-isip… nawala na ang flow of thoughts, hehehehe…. Naunahan kase ni ate sa paggawa ng perfect moments, nyhahahahah…

    abangan ang susunod na kabanata Wink


    Isinulat noong 10:41 am Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Saturday, June 23, 2007
    Mission Accomplished

    Kahapon, Biyernes na naman… as usual, abala na naman ako… sa sobrang natutuwa ako sa mga nagaw ko kahapon, heto ako, kuwento mode ulit, heheheh…

    Pero siyempre, kapag weekend, hindi naman talaga, nag-start yun sa Friday mismo, meron pang Thursday ng gabi….

    Dapat meron akong lakad nun, kikitain ko sana ang pinsan ko, kaya lang, tinamad akong lumabas, kaya sabi ko sa kanya, mag-tagalog mass na lang kame ng Thursday, tapos kung saan kame pupulutin, go na lang din (hindi niya alam, meron na akong plano, nyhahahahaha)

    Ayun, Thursday night, feeling ko relaxing night lang siya, kase hindi ako umalis ng bahay. Super prepare pa nga ako ng tacos (ay nachos pala, wala kaseng taco shell e, heheheh). Tapos, habang kumakain nun, super panood ng korean novela (Only You).

    Wala naman talaga akong balak tapusin yun nung gabing yun, kase nga feeling ko, nasa gitna pa lang ako, kaya lang, nung dumating si roommate, at nakita niya na nasa episode 11 na ata kame, sabi nya, malapit na raw matapos… Ayun, sa sobrang na-excite ako, kahit late na, sige, tapusin na lang din, kase hanggang episode 12 lang daw yun.

    Heto ang catch, natapos na ang episode 12, ala, merong episode 13… sabi ni roommate… ay may 13 pala… pero, malapit na yan matapos… hayan na nga yung kuwento, blah blah blah…

    Siyempre, kahit alas-2 na ng madaling araw, sabi niya matatapos na daw, so anong expected na gagawin, ayun, tapusin ang episode 13… nung matapos… hala… merong episode 14.. e alas-3 na kaya yun, at maaga pa kaya akong gigising dahil nga magsisimba ako ng 1230pm di ba…

    Huwaaaahhhh.. ayun, kahit bitin na bitin ako at kahit parang pinaasa lang ako ni roommate at kahit naririnig ko pa kung nasaang part na ng story, deadma na siya… borlog na ang drama ko, nyahhahaha…

    At dahil ilang Fridays na rin naman na maaga akong nagigising, nasanay na siguro ang katawan ko na kahit late na natulog e maaga pa rin nagigising…

    9am, gising na ako, so ano ang gagawin ko??? Matulog ulit.. nyahhahaha… 10am.. nagising na naman ako… tulog ulit.. pagpatak ng 1030am… sige na nga, babangon na nga ako at makakain na…tom jones na ang drama ko, nyhahahaha…

    Pagkaluto ng napakasarap na instant pansit canton, nyahhahah… at pagkatapos ng pakikipagkuwentuhan, naligo, nagbihis and off we go to church na…

    In fairness at in fairview, kahit sakto lang ang dating namin sa church, meron pa rin kameng naupuan… ang galing….

    Siyempre, magkikita kame ng pinsan ko di ba… e hindi na kame nagkakitaan before mass, kaya ayun, pagkatapos na lang ng mass di ba, hehehe… super locate na lang, nyhahahaha..

    At sa wakas, pagkatapos ng ilang buwang hindi pagkikita… ayun, reunion, nyahhahaha.. siyempre, inaya ko siya na samahan ako… ask ko kase kung ano gagawin niya… e ako daw bahala, hayun, ako pala bahala ha, e di ba, may plans na nga ako, nyahahahah…

    Pumunta kame sa independence day celebration na ginanap sa al nasr leisureland… at ang kulit ng mga pangyayari bago, during at pagkatapos ng aming stint doon… nyahahha.. stint talaga??? Sa ibang kuwento ito, at mejo mahaba… heheheh..

    Pagkagaling namin dun, diretso naman kame sa city center… siyempre, tom jones ulit kame di ba, hehehehe… ayun, super nagpalibre pa talaga ako sa aking pinsan, nyahhahah.. pagkatapos, dumiretso kame sa carrefour para mamili ‘daw’, nyahhaha… ‘daw’ kase nangulit lang din naman kame… in fairness, meron din naman akong nabili, nyahhahaha…

    Pagkatapos nun, bale apat na lang kameng magkakasama nun.. ayun, dumiretso na kame sa taxi stand.. pero dahil sa free taste, ayun, napabili pa tuloy.. ang kulit talaga, hehehehe…

    At siyempre, imbes na magsabay-sabay kame sa isang taxi, at dahil masyado ng mahaba ang araw para sa aming apat, hiwa-hiwalay muna ulit, nyhahahahah…

    Yung aking pinsan, didiretso na raw ng uwi… yung mag-asawa, didiretso na rin ng uwi… at ako… siyempre, meron pang evening activity di ba… diretso ng sheraton deira… ang saya…

    Pagdating ng sheraton deira… clp na… yey… relax muna dapat… hindi pa rin pala… hehehehe… kung ano-ano pa rin pala ang gagawin, nyahhaha… pero siyempre, masaya pa rin.. dami din nakausap na mga ka-sisters and brothers… dami din mga narinig na mga kung anik-anik… and then, tapos na ang talk 7… congrats sa buong service team.. kudos…

    Pagkatapos ng clp, hindi rin naman didiretso ng uwi.. need pa mag-celebrate ng birthday ni anakis di ba… at imbes na sa pizza hut.. hala… sa pizza company.. ang saya, nyahahaha… at siyempre, babatiin ko na rin ang may kaarawan... HAPPY BIRTHDAY TESHA (fyi, kahit hindi pamilyar sa inyo yung name, dahil sa madals na siya ang topic ng kuwento ko, promise, kilala niyo siya, nyahahaha... may God grants the desires of your heart... muwahugz.)

    At siyempre, kulitan to the max na naman… kung anu-anong nakakatawang bloopers na naman (pero ibang kuwento ulit.. kapag sinipag ako, nyahahah)..

    At nakauwi na ng bahay ng mga bandang 1am na ata…

    Kaya ngayong umaga, imbes na 830am ang pasok, dumating dito sa ofis ng 945, nyahahaha.. at imbes na mag-trabaho, nag-blog.. panalo…Mission Accomplished nga, nyahahah…

    Sige po… yun lang.. ingat. God bless..muwahugz!

    Isinulat noong 12:34 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Thursday, June 21, 2007
    Talk 6 – 8 June

    Ang inyo pong mababasa ay tunay na nangyari, patnubay ng magulang ay kailangan (hahahha).

    Heto ang part ng e-mail na kumalat sa buong service team:

    CLP Batch 27 Talk 6 - 8 June
                Sheraton Deira,along Al Muteena Rd., 7PM 

    Siyempre, walang mag-aakala na masyado itong magiging kontrobersiyal di ba… bakit kanyo.. heto ang reaction ng isang sis. 

    Scene: Magkakasama ang magkaka-hh papunta sa hh nila. 

    Sis1: ‘nay, sinabi po ni sis2 sa mga anak niya na 3 talks daw tayo.
    ‘Nay: ha??? Bakit 3 talks.. ang haba nun.. bakit mo naman nasabi yun.=
    Sis2: kase nakalagay po sa e-mail e… (heto po: CLP Batch 27 Talk 6 - 8 June)Sis3: buti nga po hindi na siya sumagot sa e-mail e. (e may record si sis2 na reply 2 all, tipong kakulitan lang, nyahhaha)
    Sis2: sinabihan ko nga po yung participant ko na kelangan niya na umattend kase ilan na yung absent niya, e madami na siyang ma-miss…

    Nyahahhahaha… ang kulit di ba… 

    Kinabukasan, hindi ako nakatiis na hindi sabihin sa assistant teamhead (at) at kay kanang kamay (kk) (btw, si kk yung nag-send ng e-mail ha) niya yung tungkol sa insidente, pero sabi nga ni at, hindi lang daw si Sis2 ang biktima nung e-mail na yun, pati daw si sis G (itago talaga natin siya di ba, g for ------, hehehe, who is may record din.. kaya ayun, super tawanan, ang kuwento tungkol sa mga ito, separate.. kapag nagka-oras na ako, nyahhaha)…

    Ayun na, natapos na ang talk 6… pagkaraan ng isang linggo nagkaroon ng natcon… wala agad talk 7…. Heto naman ang part ng private e-mail ni bro1:

    hindi rin nag babasa ng email yung mag fasi noh! hehehehee ang kulit tinananong pa kung saan yung venue this friday eh db na email nyo na talk 6-8 sa sheraton diera hehehehe db po.

    Hahahahahhaha… asar talo sa email si bro1… ayun tinawagan ko sa at at kk… sobrang tawanan talaga promise… ang tagal ng buhay ng usapan di ba, nyhahahahhaha.. as in… at nung huli, pagkatapos dipensahan ni kk ang kanyang ine-mail… inamin niya na rin na pagkakamali niya yun, hehhehehehehe….

    Pero teka… paano nga ba talaga dapat I-I-interpret ung email…  heto ang part ng sagot ko kay bro1:

    yung email na yun, talk 6 - 8 June...

    parang ganyan pagkasulat di ba.... ibig sabihin niyan talk 6 - 8th June 2007... hindi ibig sabihin e talk 6 - 8... kamote ka... adik... ehheehehehehhe... ayos ka a...

    hahahhaha.. hindi ko lang talaga matiis na hindi ikuwento.. promise… ang haba ng buhay nito.. mga isang buwan??? Nyahhahaha…

    yun lang po..  wish ko lang nakasunod kayo di ba, nyahahha... salamat. Ingat. God bless…muwahugz.


    Isinulat noong 05:55 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Tuesday, June 19, 2007
    Fellowhip

    18th June 2007
    9pm
    Grand Cinema
    Al Ghurair

    Me, Arleene, Helen, Kat, Lot, Marilen, Talah, Tesha


    Isinulat noong 12:52 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Saturday, June 16, 2007
    6th SFC National Conference

    15th June 2007
    Ewan Hotel
    Sharjah, UAE



    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

    kainis naman, may sumama pa, imbes na kame na lang ng mga ka-sis ko e, hehehe... si 'kabayan' talaga... eniweis, ako, arleene, tesha, rolly (aka kabayan), talah, lot, helen... huh, kulang pa rin pala kame dito... kaya pala andito si 'kabayan' hahhahaa


    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

    heto kasama mga gg... hmmmn... mag-gg din kaya yung 2 bro sa likod, nyahhahaha... bro edmund, cris, rolly, talah, lot, clark, me, marilen, joel, arleene, tesha, helen.


    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket 
    with gnet and jap


    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket nakakuha din ng puwesto... helen, arleene, talah, lot, marilen, me, tesha
    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket 
    at siyempre mawawala ba ito, e napagalitan ako dahil dito, nyahahhaha...

    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket 
    at isa pa...

    hayan.. need i say more??? kelangan pa bang ikuwento??? hahhahaha... hayaan na lang na ang mga pictures ang magsalita....

    cge yun na lang.. ingat... muwahugz. God bless!!!

     


    Isinulat noong 05:33 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Unlimited

    Hey, napansin niyo ba... wala na yung storage meter sa yahoo.... tinanggal na nila... yehey...

    Wala lang, maibalita ko lang naman sa inyo, hehehhe.. yun lang po. ingat. God bless!!!


    Isinulat noong 12:59 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Wednesday, June 13, 2007
    Check this out

    May update. Punta kayo dito. Salamat. Ingat. God bless!!!

    Isinulat noong 06:17 pm Isinulat ni jewel
    Paramdam ka naman  

    Next Page