-- mahilig magbasa ng kahit ano, pero kalimitan mga romance pocketbooks
-- ipagpapalit ang pagkain sa pagtulog, hindi nga lang halata
-- direct descendant (ata) ni sleeping beauty (pero matagal-tagal na rin simula nung huli kong napatunayan, har har har)
-- harassed na harassed sa paghahanap ng maggagawa sa araw-araw (applicable na lang kapag wala ang mga amo at hindi ako kinukulit ng mga tao sa paligid, nyahaha)
-- miss na miss na ang maraming bagay. basahin ito
Kagabi, habang nagkukuwentuhan kame ni roommate na-open na naman yung tungkol sa childhood sweetheart… abala kase siya sa pagpapakita ng mga pictures niya. E ang lola mo naman, abala din sa pagtingin ng mga larawan.. ayun, super interview, kesyo sino ang kasama sa pics… saan kinuhanan, blah blah blah… sa madaling sabi, super sa comments, nyahhahah…
E may isang picture siyang pinakita, sabi niya, yung kasama daw nung bestfriend niya, yun daw yun kanyang childhood sweetheart…
Heto ang drama ko… napaisip na naman ako.. bakit ganun.. hindi naman deprived ang aking kabataan a… kung tutuusin, masaya nga ang aking kabataan… naranasan ko rin naman maglaro sa baha (tumaob pa nga yung planggangang sinasakyan ko nun, kaya super sa swim talaga sa baha di ba, e hindi naman lahat nakaranas nun, hahahhaha)… naranasan ko rin naman umakyat sa puno… naranasan ko rin maglaro ng piko, patintero, prigidam, tumbang preso, atbp…
Promise, naranasan ko rin naman yung mga ganun, pero bakit pagdating sa childhood sweetheart, parang wala naman ako nun, nyahahha… asar talo pa nga ako, kapag yung ibang mga friends ko yun ang pinaguusapan, tapos sinasabi ko nga sa kanila, na wala akong childhood sweetheart, hehehehe…
Kagabi nga, ayun, nung sinabi ko yun, hindi ko na napigilang itanong… ano ba ang definition ng childhood sweetheart (heheheh)…
At siyempre, si roommate super explain siya….
At ayun nga, naliwanagan ako..
MERON din akong childhood sweetheart 'no, nyahhahahaha…
Wala lang, gusto ko lang sabihin yun… all along, meron nga pala din ako, hehehehe… gusto ko lang ipagmalaki.. Yun lang po.. salamat.. ingat. God bless!!!
Kahapon habang pauwi kame galing sa office, heto ang aming kuwentuhan (apat nga pala kame sa sasakyan including yung nag-da-drive):
Ofismate1: girl, buwan-buwan ka ba nagpapadala sa inyo?
Me: hindi naman… tipong every other month.. iniipon ko ba muna, hehehehe.. sayang naman kase yung dhs. 15./-…. Magkuripot ba, heheheh Ofismate1: bank to bank ka ba nagpapadala? Me: hindi… bakit? Ofismate2: paano ka nagpapadala? Me: ano... exchange to bank. Ofismate2: ano’ng exchange to bank? Me: kase di ba, hindi naman galing sa banko dito yung pera… galing sa mga money exchange… e kaya hindi siya pedeng tawaging bank to bank… Ofismate3: (hindi nakatiis na mag-comment) ano yun.. meron bang ganun.. nag-iimbento ka lang e… bago yun a…
Hayun, tawanan tuloy kame.. kase kahit ako hindi ko alam kung may ganun, nyahahhaha.. ang kulit lang ng kuwentuhan, hehehehe… kahit kase ako parang nung nakapag-isip na ako… hindi naman talaga tamang tawaging bank to bank di ba, hahhaha.. kaya lang, parang mali pa rin na exchange to bank ang itawag, hahhahaha…
Yun lang po muna.. hanggang sa muli. Ingat. God bless!!!
Habang abala ang mga kamag-anak ko sa pinas dahil aattend sila (or rather umaattend sila) ng piyesta sa probinsya, abala din naman ako (kame) na andito sa Dubai.
Biyernes. Dapat weekend, walang pasok sa ofis, pedeng tanghali na gumising, pedeng petiks petiks na lang. Pero dahil sa tawag ng serbisyo (serbisyong totoo??? Hehehe), imbes na manatiling natutulog pa ng ganung oras (8am, opo, mas maaga pa sa pasok sa ofis), heto kame… papunta sa kabilang emirates. Habang naghihintay ng aming transpo….
at siyempre, noong nagbibiyahe na kame...
isa pa nga... kame lang, muna bro.... nyahhahaha
Mag-co-conduct kase kame ng workshop sa Sharjah… hayan, ang pruweba, hahahha…
Pero bago pala nag-start, meron muna kameng group picture…
ang galing di ba… partner-partner talaga… meron pa ngang kuwento yan… (maisingit lang)…
Merong isang sister, kausap yung isang sister… heto ang buod ng usapan nila:
Sis1: sis2, sama ka sa workshop ha… support mo lang ako… Sis2: sige, sama ako, pero ako ang support mo, ano ka ba… Sis1: basta sama ka daw, heto na nga o, sa email, nabanggit na kasama ka, para nga daw mas maganda. Sabi ni bro. Sis2: close talaga kame ni bro ha.. kahit hindi niya pa nasasabi sa akin, sinama niya na ako sa listahan… Sis1: opo, ganun talaga, hehehehe. Sis2: dapat magkaparehas tayo ng suot.. kase 2 tayo dun di ba.. para maganda… Sis1: e ano naman po isusuot natin??? E di SFC shirt.. para parehas na meron tayo.. hehehe… Sis2: kelangan ganito… blah blah blah…. Sis1: may suggestion ako, pede po, suot mo po yung sinuot mo nung kasal (sabay halakhak, hahah)… Sis2: (humahalakhak din…) Natapos yung usapan namin na hindi namin na-settle kung ano ang isusuot, ehhehehe…
kaya ayun, pagdating nung araw ng workshop.. gandang-ganda kame sa kulay ng suot namin, hahahahah…
At siyempre, tapos na ang workshop… Heto na kame
wala yung sa creative, kase hindi pa sila tapos niyan…wala tuloy si G… si G, sa ibang kuwento na yun, hahahah...
Mejo matagal na rin na andito ako sa Dubai. Mahigit na isang taon. At para sa kaalaman ng iba, gusto ko rin naman umuwi noh, hahhaaha.
Noong nagpunta ako dito, natatandaan ko na sinabi ko at na inihanda ko na ang sarili ko, na hindi ako uuwi ng 2006… nasabi kase na kalimitan nga daw, kapag nag-start ka pa lang mag-work dito, every two years daw yung ticket, so ayun nga, super nag-expect na ako na hindi ako makakauwi ng 2006.
Eh kaso, pagdating ng 2006, nagbago ako ng work, so, another 2 years na naman ang hihintayin ko… at tama nga, 2 years ulit ang ticket dito sa bago kong work…
So, ayun nga, although sinasabi ko sa sarili ko na ok naman din kung next year pa ako uuwi… meron din mga moments na parang gustung-gusto ko ng umuwi di ba.. siyempre, fyi lang po.. nakakaramdam naman din talaga ako na naho-homesick ako ano.. maypakiramdam din naman ako, hehehehe… tapos, makikita mo pa yung mga super friends mo, uwian ng uwian, tapos ikaw, ni isang beses man lang hindi pa ulit nakakasilay sa pinas… aba… kulang na lang cryola ang drama ko di ba, hehehehe…
Eniweis, noong isang araw, kausap ko yung aking superfriend na ka-birthday ko rin… itatago ko ang kanyang identity para sa kanyang kaligtasan, hhahahha… e nagwo-work siya sa isang mobile company… ayun, mega-balita siya na magkakaroon daw sila ng promo… kapag bumili ka ng mobile.. may libreng tiket… siyempre, ang lola, interesado… aba naman… ang mahalkaya nun, hahahha… e may mobile ka na may tiket ka pa…e di super go ka na di ba…
E naglolokohan pa nga kame, kase sabi ko, teka lang, baka mamaya sa india lang pala papunta… e anong gagawin ko dun… sabi ko, I-sure na niya na sa manila philippines di ba, hahahaha…
Kanina, tumawag ang superfriend… ayun, mega-confirm nga siya.. kaya lang hindi pa nga daw lumalabas… pero sabi ko nga, sige, bibili na ako, hahahhaa… kaya ngayon… eto na… MAKAKAUWI NA AKO… kine-claim ko na totoo nga yung balita, hahhhaha… Thanks and praise God.
Yun lang po… (hindi ako makapagkuwento ng maayos e.. heheheh)… salamat.. ingat. God bless.. muwahugz.
P.s. Btw pala, sabi nga pala ni superfriend, pede ko naman daw ipagkalat ito, hehehehe... kaya super post ako sa blog di ba (feeling ko madami ang nakakabasa, hhahahaha). Yun na lang po talaga...
Ayan, dahil sa kaartehan ko, hindi ko na maibalik yung slideshow ko sa itaas... eh hindi ko pa naman maayos-ayos ang header ko... huhuhu.. makukuha ko pa kaya ulit yung slideshow????
Eniweis, aayusin ko pa rin naman yan, promise... hindi ko nga lang alam kung kelan, nyahhaha...
Siya, sige, hanggang sa muli. Ingat. God bless... muwahugz!!!
At dahil timing ang pag-o-open ko ng ebuddy, nalaman ko na graduation pala ngayon ng aming bunsong kapatid.... kaya para sa iyo, GRACE.... CONGRATS!!! thanks and praise God di ba.. hehehe...
At dahil meron akong naitatagong family picture.... heto siya... tingnan niyo....
ay, wala pala kameng family picture, hehehehe... at wala pala akong dalang picture nila... hahahha... sa susunod na lang, kapag meron na ako, hehehe... isipin niyo na lang kamukha ko siya... okie... salamat...
Naranasan mo na ba yung parang: ang dami-dami mong gustong sabihin; ang dami-dami mong gustong ikuwento; ang dami-dami mong pedeng pagkuwentuhan; ang dami-daming tao sa paligid mo na maaaring makinig; ang dami-daming kaibigan. Ang dami dami…
Pero parang hindi mo naman pedeng sabihin kahit kanino. Hindi mo naman pedeng ikuwento sa kanila. Hindi mo naman alam kung paano mo I-e-express ang sarili mo. Hindi mo alam kumbakit ka natatakot, kung saan ka natatakot. Hindi mo alam…
Parang hindi mo alam kung paano sasabihin. Parang hindi mo alam kung ano ba talaga ang sasabihin mo. Parang hindi mo alam kung ano ba talaga. Parang hindi mo talaga alam…
Hay…. Ang hirap di ba…. Yan kase ang nararamdaman ko ngayon….. *sigh*
Dahil nga sobrang relaxing ang Wednesday ko, madami din mga ‘highlights’ di ba… at heto na yun (itotodo ko na ang kuwento)…
Paunawa: ang mga sumusunod na kuwento ekulitan lamang. At para sa proteksyon ng mga tauhan, hayaan ninyong itago ko ang mga pangalan nila. At hayaan niyong random ang pagkukuwento ko. Patnubay ng magulang ay kelangan (nyahahahha).
sis1: bakit ang laki naman nito. Akala ko maliit lang. bro1: e di bigay mo na lang sa akin kapag hindi mo naubos.
Maya-maya:
sis2: (nakatingin kay sis1) sis1, malaki? sis1: oo eh…. (pero balat na lang ang hawak)
sa ofis, tumawag si sis3 kay sis2:
sis3: meron ka bang lyrics ng mga kantang redeeming love at I give my all? sis2: cge po, meron po… ipapadala ko po…. sis3: uy thank you. Kase naman, nagmamadali akong umalis kanina. Imbes na reddeming love, redeemer lives. Tapos imbes na I give my all, I offer my life… ngarag e….
e di siyempre, inemail na ni sis2. ang sagot ni sis3 sa email ni sis2: sis2: thanks **. Pasensya na ha. Color blind kase….
Nyhhahahaha…. Ang kulit, hehehehe… tapos ayon pa sa studies, lalaki lang daw ang color blind… hmmmnnnn… sis3 ha, nyhahahah
siymrpe, nung gabi, nakasama na naman namin sis sis1. heto na….
Sis2: sis3, kanan po tayo dito, hatid mo na po ako. Sis3: ay pasensya na, nahuli ang pagsasabi mo, hindi na tayo pedeng kumanan. Sis1: sumama ka na kase. Basta sasama ka na. Sis3: teka, saan na ba talaga tayo. Saan ka ba sis2? Sis2: ayan po kanan po dapat. Sis1: ano ba… sasama ka na di ba. Sis2: ayan po pede na kayong mag-u-turn. Sis3: ano ka ba, bawal mag-u-turn dito.
E naghuhumiyaw kaya yung sign ng u-turn… huh…
Sis3: sensya na, color blind e, nyahhahha…
At may halong pang-aasar pa galing kay bro1.
sis4: heto na ang tea… (sabay abot kay sis3, bro1, sis2, at aabutan pa si sis1). Sis3: hindi nag-t-tea si sis1. Sis4: ay ganun. Ano lang? Sis3: s….
Lahat nakatunganga sa kanya… huwahhhhh…. Slow ba kame or nonsense kase??? Nyahhahaha
tumawag si bro2 kay sis2
Bro2: nag-invite ng sa birthday ni tj e. tinext pa ako. Sis2: ay bakit ikaw ininvite, ako hindi. Bro2: ganun talaga. Sa Thursday yun di ba. Sis2: anong Thursday e pagkatapos nga ng fcl, diretso na dun. Bro2: ano ka ba, Thursday noh… tinext nga ako di ba. Sis2: ganun ba… sige nga basahin mo nga yung text. Bro2: (parang ganito yung mensahe, nakalimutan ko na yung exact txt kase hindi naman ako ang nakatanggap e, nyahhaha) birthday ni tj sa Thursday. Invited kayo sa marco polo sa Kids For Christ on Friday blah blah blah…
Hindi pa man tapo sni bro2 yung pagbabasa, tumatawa na si sis2… binalikan ni bro2… at tumawa na rin.. hehehhe.
Hindi ko na matandaan yung ibang bloggable things… pero naibalik na naman ang kuwento tungkol sa aking famous ka-sis… (at sa pagkakataong ito, hindi ko maipapangako na mapo-protektahan ko ang identity niya.. mejo madalas kase siyang nababanggit e).
Heto ang kuwento. Heto pa. Saka andito pa (mejo anti-climatic na nga lang ang kuwento sa sobrang dami ng beses na naikuwento, hehehe)… meron pa sanang isa, kaya lang ang hirap hukayin e… sa susunod na lang ulit yung tungkol sa boneless grapes, nyhahahahaha…
Kagabi, dahil sa iba’t-ibang kadahilanan, hindi natuloy ang aming lhh… sabi kase, kelangan na rin naman ng pahinga ng bawat isa di ba, kaya sige, pass muna. Bawi na lang sa susunod (kahit hindi naman kelangan I-justify, pero may nagkakasakit na rin kase, heheheh).
Eniweis, ayun, ang lola mo, expecting na maaga akong makakatulog, mejo matagal-tagal na rin kase yung panahon na nagdaan nung huli akong natulog na gabi pa. Usually kase ngayon, ang tulog ko, kelangan lampas 12 am na, so parang lipat araw na naman sa kalendaryo di ba… huh.
Ayun, bago matapos ang oras sa ofis, meron nag-message sa akin. Kesyo kelangan daw ako sa meeting, blah blah blah… pede naman tumanggi di ba, pero talagang hindi ako marunong. Kaya ayun, natagpuan ko na lang ang sarili ko na umo-oo…
Pero siyempre, mejo maaga pa nung malaman ko yun. Kaya bago pa rin talaga natapos ang ofis hours, merong gustong makipag-one to one sa akin. E sino naman ako para tanggihan siya di ba… huh (ulit).
Ayun, pagkatapos na pagkatapos ng ofis ko, diretso ng uwi (yehey, walang halong kung ano, pero promise, nakaalis din ako ng maaga sa ofis, heheheh… sa wakas, har har har), tapos wait ko ang aking ka-one to one.
Siyempre, hindi naman buong gabi, kay-ka-one to one ako. Ayun, natapos siguro kame mga 830, e 830 ang meeting, nyahahhaa.. magbibiyahe pa… so habol na lang sa meeting. Pagdating dun, siyempre, pinagusapan ang kung anuman ang dapat pag-usapan di ba… ayun… blah blah blah…
Nung matapos kame, at nalaman na aabot pa kame dun sa Lord’s day na ginaganap sa al ghurair, e di, mega-punta naman kame dun. Ayun, patapos na rin naman sila… siyempre pa, kelangan ko pa bang sabihin na pasado alas-11 na kaya nun….
Eto na, e di ba, malapit na lang naman kame sa al ghurair… so sabi ko, pakihatid na lang ako sa uuwian ko… huwaaahhhhh… kaganda.. siyempre pa, pasahero lang ako.. ayun, nakita ko na naman ang sarili ko nagpapadala sa agos.. nakarating ulit ako ng karama… para naman bumati sa may kaarawan di ba… siyempre, dapat daw bang matapos ang araw (or rather gabi) na hindi namin nakikita ang celebrant…
Ayun, meron naman kameng inabutang bisita… as in… paalis na sila… nasa baba na nga ng building e.. pero siyempre, harangan man ng sibat, mega-akyat pa rin kame sa flat… at mega-bati sa may birthday, hehehehhe…. Siyempre, hindi naman pedeng babati lang… siyempre, makikipagkuwentuhan at makikipagtalastasan din naman…. At siyempre, makikikain na rin (ulit, heheheh.. kumain na rin kase kame nung sa meeting e, nyhahahah)….
Mga bandang 1am siguro, napagdesisyunan na rin na umuwi na… (buti naman)… so ayun… sobrang relaxing nagdaan di ba… ang aga ko nakatalog.. grabe, kakaiba talaga….
Eniweis, sa susunod, ang kuwento sa likod ng mga pangyayari ng bawat event na napuntahan ko kagabi…. Ingat. Muwahugz. God bless…