-- mahilig magbasa ng kahit ano, pero kalimitan mga romance pocketbooks
-- ipagpapalit ang pagkain sa pagtulog, hindi nga lang halata
-- direct descendant (ata) ni sleeping beauty (pero matagal-tagal na rin simula nung huli kong napatunayan, har har har)
-- harassed na harassed sa paghahanap ng maggagawa sa araw-araw (applicable na lang kapag wala ang mga amo at hindi ako kinukulit ng mga tao sa paligid, nyahaha)
-- miss na miss na ang maraming bagay. basahin ito
Ang lagay ba ikaw lang ang dapat na may nami-miss… naunahan mo lang ako mag-post e, hehehe…
Sa kadahilanang kagabi nga ay magkasama kame ni lei, at kame ay naghihintay sa isang ka-sis namin, ayun, kuwentuhan to the max na naman kame….
Oo naman, hindi kase namin yun madalas na nagagawa… hindi kase kame magkasabay na pumapasok… at umuuwi… hindi kase siya lagi amin para makinood ng tv (pero ako, dati, hindi rin ako lagi sa kanila para tumambay, hahaha)… tapos grabe, wala na nga kameng time para magkuwentuhan, kaya kagabi, kumbaga sa credit card, minax out na namin ang aming time sa isa’t-isa, nyahaha… (kaya nga ata, aning na rin ako, nakukuha ko na rin ugali niya, hehehe)…
Ayun nga, dumako ang aming usapan sa mga bagay na nami-miss namin… lalo na ako, hehehe… dahil these past few days e nadadalas ang pag-iisip ko na parang gusto ko ng umuwi… (oo nga, kung kelan meron na akong employment visa, nyahaha)….
Eniweis, heto naman ang listahan ko ng mga na-mi-miss ko….
-miss ko na ang bahay namin, kung saan, matagal-tagal na rin na panahon naming hinahanapan ng producer na nangangailangan ng pasasabuging bahay at papatayuan ulit… para ma-renovate naman ang bahay namin, nyahaha…
-miss ko na ang kulitan namin ng nanay ko, tatay ko, ng mga kapatid ko, ng mga pinsan ko, at iba pang mga tao sa bahay namin…
-miss ko na ang kuwarto namin… kung saan, madalas doon ang kuwentuhan namin, doon ako nag-spent ng time para magbasa ng mga pocketbooks, para mag-computer, at siyempre, para matulog….
-miss ko na ang pamangkin kong kinukulit ko lagi…
-miss ko na ang lutong ulam ng tiya ko… lalo na ang higadilyo na laging request ng ina….
-miss ko na tindahan namin, kung saan hindi naman ako tumatao, dahil hindi ko naman kilala ang mga kapitbahay ko, hehehehe… at obvious bang kapag wala ako sa kuwarto namin e nasa galaan ako…
-miss ko na pag-pe-prepare tuwing malapit na ang pasko… dapat by this time, kumpleto na ang mga regalo ko para sa mga inaanak ko… siyempre, sosyal ako, sa tuts ko binibili ang mga regalo ko, heheheh…
-miss ko na ang paghahanda ng mga christmas decorations sa bahay namin.
-miss ko na ang laba ng tatay ko, heheheh….
-miss ko na ang plantsa ng kapatid ko…
-miss ko na yung uutusan ako ng nanay ko na bumili sa jollibbee, siyempre, pati ako meron din, hehehe…
-miss ko na yung gigisingin niya ako kapag piyesta ng tondo o quiapo, para magsimba daw kame tapos almusal sa jollibbee… wow…. Sarap…
-miss ko na yung mga pocketbooks ko na hindi lang ata limang beses kong inuulit-ulit lalo na at maganda…
-miss ko na ang maghintay sa sm kase ang mga friends ko, napakalayo pa ng pinanggagalingan kapag nagkakayayaan ng movie day, nyahaha…
-miss ko na mag-overnight sa bahay ng may bahay…
-miss ko na ang overnight sa bahay namin….
-miss ko na ang mga outreach programs namin (charing, hehehe… para naman meron talaga, nyahaha)…
-miss ko na mga kaibigan ko, from nursery, junior, senior kinder, elementary, highschool, at college…
-miss ko na sumakay ng jeep, lrt, at mrt….
-miss ko na ang mag-out of town (tapos sakto lang pamasahe ang pera mo, ang bangis, hehehe)
-miss ko na ang computer ko (na feeling ko e hindi ko na siya makikita pagbalik ko…. Phase out na siya e, hehehe)…
-miss ko na ang inuman namin kapag may birthday (pero dahil bagong buhay ako, hindi na ako iinom, mamumulutan na lang ako, nyahaha)…
-miss ko na kumain ng jollibee 24 hours…. Yung sa may blumentritt…
-miss ko na kumain dun sa may ongpin, kung saan, hindi talaga namin maintindihan kung paano nila kinukuwenta ang mga nakain namin, hehehe…
-miss ko na manood ng sine, linggo-linggo…
-miss ko na mamili sa divi at tuts… (divisoria at tutuban)
-miss ko kumain ng frosty, chow fan, pancake sa jollibee, pizza ng greenwich, chocolate cake ng goldilocks or red ribbon, bake mac or lasagna ng red ribbon, siomai ng chowking or henlin, zagu (tama pa ba spelling?), orbitz (may z ba yun??? Whatever, hehehe), at marami pang iba…
-miss ko rin yung pagkain ng isda halos gabi-gabi, hahahaha…. Gg lang solve na ako… kahit nga tuyo lang….
-miss ko na maglakad sa recto habang naghahanap ng mga murang pocketbooks.
-miss ko na magsimba sa Espiritu Santo Church… saka yung simbahan dun sa may bulacan na dinarayo pa talaga namin, hehehe….
-miss ko na ang mga nakatrabaho ko…. Mula dun sa unang work ko (ayoko banggitin kung saan, kase teary-eyed na ako e,ehehehe) hanggang dun sa work ko nung bago ako pumunta dito.
-miss ko na manood ng mga anime…
-miss ko na umattend ng mga family gatherings, fiesta, binyag, kasal, etc….
-miss ko na ang panonood ng tv at wala kameng ginawa kungdi suriin na parang mga kritiko ang mga palabas, nyahahah…
-miss ko na ang pakikipagkuwentuhan sa mga pinsan ko tungkol sa mga lalake sa aming buhay (pocketbook, nyahaha)
-miss ko na makipag-telebabad sa landline… sa mga super friends na walang kasawaan sa pakikipagdaldalan sa telepono, nyahaha…
-miss ko na yung mga crush ko… (eeeeooooowwww… baduy, nyahaha)
-miss ko na mag-spent ng holiday kasama ang mga kapamilya, kapuso at lahat lahat pa…
-at siyempre, tapos na ang oras ko… ang dami-dami ko pang gustong idagdag… pero sige meron pa namang part 2 ito, nyahahah… kaya abangan niyo na lang….
Dahil alam kong maghapon na naman akong wala sa Friday, nakipagpalit na lang ako ng pagiging cleaner… kaya ayun, imbes na mamahinga ng maaga, naglinis muna ako, pero siyempre, hindi ko muna ginawa ang mga dapat kong gawin, kase nanood pa ako ng tv… at sa totoong buhay e nag-aabang ako ng tawag ng isa sa mga anakis ko na humiling na kung pede daw magkita kame… ako naman, e tawagan mo lang, basta walang ginagawa, go… kaya lang, hindi tumawag e, hay… so anong gagawin ko…. Maghanap ng ibang magagawa….. ayun, feeling ko naman productive….hehehhe…. heto ang listahan ng mga nagawa ko kagabi:
nakapaglinis ng flat….
nasamahan mag-bayad ng kautangan ang isang friend….
nakabili ng isang damit…
nakabili na rin sa wakas ng foundation… hehehe… yung magandang klase, nyahahah….
nakipagkita sa isang ka-sis….
O, hamak pa ba yan, heheheh… productive di ba…
Sige na… sa susunod na lang ulit… ingat ingat… God bless!!!
Kagabi, nagsimba ako, kahit na hindi ko nakasabay ang isang anakis ko na dapat e kikitain ko… hay buhay… pero in fairness, nakita ko naman ang isang anakis na hindi ko inaasahang makikita ko, heheheh… pero hindi kame nagkaroon ng pagkakataon… hindi ko alam kung ako ang nagmamadali o siya.. pero hindi talaga kame nakapag-usap… hay buhay (ulit)…
Pagkagaling simbahan, diretso ako kina leah… birthday nga kase ni papa archie… pero nakausap ko nga pala siya kahapon, hindi nga tuloy… pero bakit ba, e sa gusto ko lang pumunta dun at makipagkamustahan kina leah e…. bawal ba, hahaha…
Pagdating sa raha residence…. Nangialam na ako ng makakain ko, hehehe… tapos ayun, kuwento kuwento ng konti… blah blah blah… tapos, nag-prepare na rin akong umalis, kase may aattendan pa akong meeting….
Hinatid ako ni leah hanggang sa venue ng meeting, tapos, pagdating dun, ayun, super meeting na rin… kung anu-ano na nga ba ang mga paggagagawain naminsa mga nalalapit na service namin… blah blah blah… hanggang sa maaga din naman naghiwa-hiwalay kung susuriin… ayos lang…
Pag-uwi, inaasar ko yung isa, matatapos ba ang araw na wala kang joke, nyahahaha….. wala daw… pass daw muna, heheheh.. hindi daw muna niya kame pasasayahin, heheheh…. Ayun, at tuluyan ng iginupo ng antok ang pagod na katawan….
Sige, hanggang sa muling pagkukuwento… ingat. God bless!!!
Bago ako magkuwento ng mga kung anu-ano, babati muna ako ng HAPPY BIRTHDAY kay PAPA ARCHIE!!! Sana’y mabusog mo kame…. Hehehhe…
So, game na, update ulit… Hindi na naman kame natuloy mag-family day… ngayon, hindi na kame ang dahilan… sila na, nyahahaha… Mag-sho-shopping galore kase sila… isinasama nga sana nila ako… kaya lang tinatamad akong maglalakad e… kaya… sabi ko, wag na lang, hehehe…
Paguwi sa bahay… nagpahinga lang sandali… tapos sabi namin, aalis kame at maglalakad kame sa rigga, heheheh… e masyadong nag-enjoy sa panonood ng pinoy dream academy (pda), at nag-enjoy din sa pagpapahinga… ayun, ang layo ng narating namin, hehehe… tinuloy-tuloy na lang namin ang aming tulog… kaya in fairness, ang aga kong natulog nun…. Nadadalas ang maaga kong pagtulog a… mabuti naman, heheheeh….
Ayun lang, walang masyadong kuwento…. Walang masyadong excitement… pero masarap na quiet night na kay sarap ulit-ulitin, nyahaha…
May bago na naman nadagdag sa special vocabulary namin… nanonood kame ng tfckat kagabi.. yung isang tfcbabe… taga-australia… sabi niya… my name is _________ I am from sydney, australia… comment ng kasama namin sa room…. City kaya ang australia….
Buwaaahhahhahaha… tawa talaga ako… pero hindi yun yung initial reaction ko, ehhehe… sabi ko, anong sabi mo… baka kase nagkaringgan lang ako… sabay tawa na ako… kase tama ang dinig ko, sabi niya na talaga… HINDI NAMAN CITY ANG AUSTRALIA, har har har…
Panalo talaga ang pandinig… kasamahan ito ng "why are you sad today"…. Muntik ng sumagot at magkuwento ng mga pangyayari sa buhay niya noong Saturday…. Ang kulit talaga, heheheheh……
Isa pa pala… ano'ng sasayawin? "One day"… ano… Monday… hindi Tuesday Thursday Sunday ang practice natin… huwaaaahhhhhhh…. Ang kulit talaga….. wag kase sa kaliwa magsalita, nyahahah….
Middle household sa practice ng dance min sa may Seattle’s best ng Marry Brown
Umuwi ako ng bandang 4am na ata, kanina. Siyempre, dahil huwebes kahapon, at biyernes ngayon, asahan mo na may gimik kame, hehehe…
Ang plano kagabi, mag-hh with my original hh… tapos, attend ng dance min practice, then gimik pa rin, then uwi na… ang saya, kase accomplished naman lahat.
Pag-uwi ko kahapon sa flat, nagpahinga ako, tapos naghintay ng oras ng hh… hindi nagpunta sa flat namin yung aking friendly friend dahil may aattendan siyang binyagan na hindi niya alam e ninang pala siya, hahaha…
Eniweis, aba kagaling, nung malapit na ang oras ng hh namin, tinawagan ako na hindi daw siya sasabay sa akin… mauna na lang daw kme, kase baka male-late pa siya… tama ba naman yun… e nakalimutan kong manghingi ng pera sa kanya, e ang alam ko wala na akong pera…
Tinatamad na sana akong pumunta, pero siyempre, hindi naman hadlang yung wala akong pera di ba, hehehe… kaya ayun, tinawagan ko yung isa kong ka-sis… ang siste, sabi ko sabay ako sa kanya, kase nga ala na akong pera… sagot ba naman, pahiram daw siya ng dhs. 5 at may dadaanan lang siya para mag-withdraw siya… waaaahhhhh…. Wala nga akong pera, hehehee…. Pero sabi niya nga, sige daw, sabay na daw kame… sunduin niya na lang daw me, ehhehe… ayos… makakapunta na ako…
E bingi-bingihan ako, naka-ilang missed call muna siya… nung tinawagan ko, sabi lumagpas na daw siya… pero sige daw babalikan na lang niya ako, hehehe…. Kapal ano, libre na nga, nagpasundo pa, hehehe…
Habang pababa ako, tinawagan ako ni friendly-friend, tawagan ko daw si friendly-friend 2, sabay na nga lang daw kame…. Huwat….. e ako naman, tinawagan nga…. Ayun nga, susunduin daw ako… ayos… 2 na ang sundo ko, hehehehe…. Habang hinihintay ko ang mga ka-sises ko, tinawagan ko ang isa kong ka-sis… nawawala daw siya…. Kaya diretso na lang daw siya sa amin… sabay na lang kame…. Ang galing, heheheeh… ang bilis ng sagot ni Lord, hahahha….
Maya-maya, tumawag si friendly friend, sabay na rin daw siya… wow… ang saya saya na, heheheh….. buti na lang, pinayagan kame na lima sa cab… panalo talaga si Lord…
Pagdating namin sa venue namin, ang saya namin, hehehe… kulitan.. ang mga sises na nag-fa-fasting din ata… kain kung kain, heheheh… pati pala ang mga hindi nag-fasting, kain din, hehehe…
Pagkaraan pa ng mahabang daldalan, naumpisahan din ang dasal, hehehe… muntik na naman maging corporate…. Dahil sa pagmamadali… buti na lang hindi, ehhehe… kaya lang, sabi wag daw paulit-ulit, nyahahha… ang bilis tuloy… tapos, kaunting sharing, then naghanda na para pumunta ng practice…. Siyempre, kasama pa rin ako, kahit hindi naman ako mag-pa-practice….
Pagdating dun, chika muna ng konti, bago sila sumabak… then, ako nakipagkuwentuhan sa mga taong nanonood din lang gaya ko… kulitan to the max… hinihintay matapos ang practice….
Pagkaraan ng ilang oras (oras nga ba, hehehe), natapos din ang practice, then, sabi magkakape daw… una ang pagkaintindi ko, kakain… kase yung isa kong friendly-friend, tom jones ang drama, galing pa kase sa work e… e split shift kaya panghammer ang sked, hahahah… hindi ko alam kung bakit napunta kame sa seattle’s best, hehehehe…
Eniweis ulit… pagdating sa kapihan, kuwentuhan, asaran, picturan naman ang drama… hanggang sa maisipan ng maghiwa-hiwalay…
E bitin pa rin…. Sabik sa isa’t-isa… kameng magkakasabay, nagkayayaan pa… kase nga di ba, tom jones na yung isa… ayun, marry brown naman ang nilantakan… at hanggang doon siyempre, hindi mawawala ang kulitan… kuwentuhan… drama… at kung anik-anik pa, nyahahha…
Kaya ayun, 4am na nakauwi… pero siyempre, hindi matatapos ang aking gabi (araw, whatever, hehehe) ng hindi nagbabasa ng pocketbook… tinapos ko pa ang naumpisahan ko… kaya nakatulog ata ako mga 5am na rin, heheheh….
Yun lang…. Bukas ulit ang susunod na kuwento… ingat… God bless!!!
Pahabol bago kame umalis ngayong araw na ito (dito sa ofis)
Nakalimutan kong sundan yung kuwento ko tungkol sa aking employment visa... sobrang toxic talaga e, hehehe... eniweis, heto po ang kasunod...
Nung tuesday ata yun, nagpa-medical na kame... sabay kame ni lei (uu si lei nga... yung andyan yung link sa gilid, hehehe)... hindi namin nakasama yung isa pa, kase pa-sweet pa e, hahaha...
Eniweis, ayun nga, super pa-medical kame... nakasalubong ko pa ang isa kong anakis... magpapa-medical din... ayos di ba, hehehe....
Tapos kanina, natanggap na namin ang result... ayun, fit for work naman... kaya yehey... sana magtuloy-tuloy na ito... in Jesus Name...
Salamat talaga kay Lord di ba.... saka sa mga taong walang sawang nagdadasal para sa akin / amin... maraming-maraming salamat po....
Sige na po, yun lang... ingat ingat na talaga... God bless!!!
Grabe na ito… trabaho talaga ang hinanap ko sa dito… pakiramdam ko hindi na ako makahinga sa dami ng ginagawa ko…. Buti na lang nakakapag-update pa rin ako… at sa mga regular na dumadalaw… kung napapansin niyo, delayed ang pagpopost ko, hehehe…. Draft lang lagi… hindi akomakaporma dito e…. ang daming trabaho… halos nalulunod na ako…..
Although, nag-e-enjoy naman ako… pero sana may pagkakataon din gumawa ng ibang mga bagay bukod sa work, nyahahaha… work pa rin naman maicoconsider yung mga naiisip ko, ahhahaha…
Eniweis, heto, nakikiamot ng oras para makapag-blog… imbes na umuwi na…. Talagang magbigay pa ng oras sa blog di ba… addict, nyahaha….
Nag-text ako sa mga anakis ko kahapon. Kase nga araw ng lhh namin. Natatawa pa nga ako, kase nag-compose ako ng text umaga… kaya super bati ako ng gud am… tapos na-send ko mga 1pm… ayos… hindi ko na nahabol… hahaha… gud am talaga… in fairness, walang nakapansin….. ganun ka-toxic ngayon sa work, nyahaha…
Hayun, sabi ko 8pm…. E mejo may oras pa ako para maglaba… ayun, nagsalang ako… tapos nagprepare ako ng para nga sa lhh… hindi talaga ako kumokontak… kase may mga sumagot naman sa text ko… sabi ko, tingnan ko na lang kung sino ang pupunta….
Pagpatak ng 815 ata… wala pa rin dumarating… pinipigilan ko talaga ang sarili ko na magtawag… kase feeling ko ang kulit ko na…. Saka kase nga, tingnan natin kung totoo nga ang mga text nila, nyahahah…
Aba, at may isang nagpaparamdam… huh…. Sabi ko, ano kaya ito…super sagot ako ng mobile, ehhehe… sabi niya male-late lang daw siya… sabi ko naman ok lang, kase wala pa naman yung iba….
Heto na po, malapit ng mag-9pm, wala talaga… by this time, nakapag-missed call na ako sa kanila (hindi ko rin natiis, hehehe)… heto na po, dumating ang text ng isa… pass daw muna siya… ok… anong gagawin ko kapag ganun… pagod na akong maglupasay, hehehhe… sabi nga, what to do… pabayaan na lang… tapos dumating na yung isang hihintay ko… e di super kuwentuhan muna kame… habang abala ako sa pagmi-missed call.. actually, tumatawag na talaga ako, kaya lang ayaw sagutin, hehehe…
Ayan, may nag-text… hindi na daw siya makakapunta, kase may importante lang siyang kelangan lakarin… huwaaahhhhh.. gusto ko na talagang maglupasay…. Kase ilang beses ng ganun… ibig sabihin hindi ako importante di ba… kase yun planado… tapos nakukuha laging I-cancel…. Hindi talaga ako priority… huhuhu….
Pero what to do ulit…. Sa isip ko lang yun, hehehe… e di isa na lang… kase yung isa, parang pagkatext ko pa lang nung hapon, nagsabi na hindi nga raw siya makakapunta… so, isa na nga lang talaga…. Aba, at hindi ako sinasagot… ang ginawa naming 2, tinaningan namin…
Ayun, hindi talaga dumating at hindi talaga nagparamdam… hay… lungkot lumbay hapis… pero siyempre, hindi kame mag-du-dwell sa ganung pakiramdam… kahit parang gusto mo ng magalit…. It’s their choice pa rin naman… and everything is happening for a reason… kaya sige lang… ituloy na natin ito….
Grabe, ang ganda… kase full worship talaga kame… saka as in, almost wala akong nakalimutan sa mga dapat kong ipagdasal, hehehe…kaya ang saya-saya… kaya lang hindi nila na-experience… pero di ba, baka sa ibang pagkakataon kapag prepared na sila talaga, hehehehe….
Eniweis, sa aking anak na nagtiyagang magpunta… maraming salamat sa iyo….. thankful talaga ako promise….muwah….
So, yun muna, yung ibang mga kuwento sa ibang kuwentuhan na lang, dami pa rin kaseng mga sidelines na kuwento e,ehhehehe… ingat ingat… God bless!!!