|
Kahapon, Biyernes na naman… as usual, abala na naman ako… sa sobrang natutuwa ako sa mga nagaw ko kahapon, heto ako, kuwento mode ulit, heheheh… Pero siyempre, kapag weekend, hindi naman talaga, nag-start yun sa Friday mismo, meron pang Thursday ng gabi…. Dapat meron akong lakad nun, kikitain ko sana ang pinsan ko, kaya lang, tinamad akong lumabas, kaya sabi ko sa kanya, mag-tagalog mass na lang kame ng Thursday, tapos kung saan kame pupulutin, go na lang din (hindi niya alam, meron na akong plano, nyhahahahaha) Ayun, Thursday night, feeling ko relaxing night lang siya, kase hindi ako umalis ng bahay. Super prepare pa nga ako ng tacos (ay nachos pala, wala kaseng taco shell e, heheheh). Tapos, habang kumakain nun, super panood ng korean novela (Only You). Wala naman talaga akong balak tapusin yun nung gabing yun, kase nga feeling ko, nasa gitna pa lang ako, kaya lang, nung dumating si roommate, at nakita niya na nasa episode 11 na ata kame, sabi nya, malapit na raw matapos… Ayun, sa sobrang na-excite ako, kahit late na, sige, tapusin na lang din, kase hanggang episode 12 lang daw yun. Heto ang catch, natapos na ang episode 12, ala, merong episode 13… sabi ni roommate… ay may 13 pala… pero, malapit na yan matapos… hayan na nga yung kuwento, blah blah blah… Siyempre, kahit alas-2 na ng madaling araw, sabi niya matatapos na daw, so anong expected na gagawin, ayun, tapusin ang episode 13… nung matapos… hala… merong episode 14.. e alas-3 na kaya yun, at maaga pa kaya akong gigising dahil nga magsisimba ako ng 1230pm di ba… Huwaaaahhhh.. ayun, kahit bitin na bitin ako at kahit parang pinaasa lang ako ni roommate at kahit naririnig ko pa kung nasaang part na ng story, deadma na siya… borlog na ang drama ko, nyahhahaha… At dahil ilang Fridays na rin naman na maaga akong nagigising, nasanay na siguro ang katawan ko na kahit late na natulog e maaga pa rin nagigising… 9am, gising na ako, so ano ang gagawin ko??? Matulog ulit.. nyahhahaha… 10am.. nagising na naman ako… tulog ulit.. pagpatak ng 1030am… sige na nga, babangon na nga ako at makakain na…tom jones na ang drama ko, nyhahahaha… Pagkaluto ng napakasarap na instant pansit canton, nyahhahah… at pagkatapos ng pakikipagkuwentuhan, naligo, nagbihis and off we go to church na… In fairness at in fairview, kahit sakto lang ang dating namin sa church, meron pa rin kameng naupuan… ang galing…. Siyempre, magkikita kame ng pinsan ko di ba… e hindi na kame nagkakitaan before mass, kaya ayun, pagkatapos na lang ng mass di ba, hehehe… super locate na lang, nyhahahaha.. At sa wakas, pagkatapos ng ilang buwang hindi pagkikita… ayun, reunion, nyahhahaha.. siyempre, inaya ko siya na samahan ako… ask ko kase kung ano gagawin niya… e ako daw bahala, hayun, ako pala bahala ha, e di ba, may plans na nga ako, nyahahahah… Pumunta kame sa independence day celebration na ginanap sa al nasr leisureland… at ang kulit ng mga pangyayari bago, during at pagkatapos ng aming stint doon… nyahahha.. stint talaga??? Sa ibang kuwento ito, at mejo mahaba… heheheh.. Pagkagaling namin dun, diretso naman kame sa city center… siyempre, tom jones ulit kame di ba, hehehehe… ayun, super nagpalibre pa talaga ako sa aking pinsan, nyahhahah.. pagkatapos, dumiretso kame sa carrefour para mamili ‘daw’, nyahhaha… ‘daw’ kase nangulit lang din naman kame… in fairness, meron din naman akong nabili, nyahhahaha… Pagkatapos nun, bale apat na lang kameng magkakasama nun.. ayun, dumiretso na kame sa taxi stand.. pero dahil sa free taste, ayun, napabili pa tuloy.. ang kulit talaga, hehehehe… At siyempre, imbes na magsabay-sabay kame sa isang taxi, at dahil masyado ng mahaba ang araw para sa aming apat, hiwa-hiwalay muna ulit, nyhahahahah… Yung aking pinsan, didiretso na raw ng uwi… yung mag-asawa, didiretso na rin ng uwi… at ako… siyempre, meron pang evening activity di ba… diretso ng sheraton deira… ang saya… Pagdating ng sheraton deira… clp na… yey… relax muna dapat… hindi pa rin pala… hehehehe… kung ano-ano pa rin pala ang gagawin, nyahhaha… pero siyempre, masaya pa rin.. dami din nakausap na mga ka-sisters and brothers… dami din mga narinig na mga kung anik-anik… and then, tapos na ang talk 7… congrats sa buong service team.. kudos… Pagkatapos ng clp, hindi rin naman didiretso ng uwi.. need pa mag-celebrate ng birthday ni anakis di ba… at imbes na sa pizza hut.. hala… sa pizza company.. ang saya, nyahahaha… at siyempre, babatiin ko na rin ang may kaarawan... HAPPY BIRTHDAY TESHA (fyi, kahit hindi pamilyar sa inyo yung name, dahil sa madals na siya ang topic ng kuwento ko, promise, kilala niyo siya, nyahahaha... may God grants the desires of your heart... muwahugz.) At siyempre, kulitan to the max na naman… kung anu-anong nakakatawang bloopers na naman (pero ibang kuwento ulit.. kapag sinipag ako, nyahahah).. At nakauwi na ng bahay ng mga bandang 1am na ata… Kaya ngayong umaga, imbes na 830am ang pasok, dumating dito sa ofis ng 945, nyahahaha.. at imbes na mag-trabaho, nag-blog.. panalo…Mission Accomplished nga, nyahahah… |
| Leave a Comment: |