Entry: While I am away Monday, July 02, 2007



It's been a while since my last entry.

Nakakainis nga, kase dapat dati pa ako nakapag-update. Kaya lang hindi ko alam kung ako ang may sira (kase given na yun) or yung connection ko, or yung pc or yung it namin (pero given din yun e, eheheheh).

Eniweis, ayun nga, bukod sa sobrang naging abala nga rin ako dito sa ofis, in the truest sense of the word, as in feel na feel ko nga na may work na nga ako, at pede ko ng ipagsigawan na hindi na lang ako guard dito sa ofis, e sobrang ang pangit pa ng connection ko. Huwaaahhh… bumibigay na naman ata ang pc sa akin. Why like this? (huh, eow… pangit, nyahahah)

Ang natatandaan ko, ang huling gusto kong ikuwento e yung nangyari noong shower party pa ni sis i.. e haler, nakailang shower party na ba ako ng na-attendan pagkatapos nun (kasama yung tinanggihan ko, mga 2, nyhahahah.. pero haler, in just a span of few weeks… weird di ba, hehehe).

Eniweis, kase naman noong gabi ng shower party na yun, ang daming kuwento, e tapos yung sumunod na shower party ang dami din kuwento… e paano pa yung ibang mga gathering at iba pang mga meetings and activities na napuntahan ko, aber, sige nga, kung hindi ba naman talagang napuno na ako ng kuwento… haaayyy…

Pero dahil maraming nag-aabang ng update kong sobrang uplate, ikukuwento ko pa rin di ba…. 

Ang unang kabanata: ang kuwento ng garlic press

Ako: sis, dadaan kayo ng al kabayl? Bilhan niyo naman ako ng garlic press. Yun na lang ireregalo ko.

Sis: sige, pero ano ba yun?
Ako: malalaman mo rin… mababasa at makikita mo naman e… hehehhe
 

Heto ang kanyang garlic press na nabili….

 isa pang picture, baka akala niyo kase malabo lang mata niyo, heheheh

 

Salamat sa iyo Smile…muwahugz.

Ikalawang kabanata: ang kuwento ng pastas

Siyempre, shower party kaya yun, meron kameng binabasa… heto ang palitan ng usapan.

Sis: (hawak yung babasahin) o dali, makinig na kayo… how to use… toot toot.. toot toot…

Hala, wala na kameng naintindihan… comment ni sis2.

Sis2: ano yung toot toot. Yun ba yung plural ng ano nga yun, yung pasta?

Pagsagot ni isang sis

Sis3: ano yun? Pastas?

Huwaaahhhh. Ang kulit naman ni sis, hehehehe.

Ikatlong kabanata: Enter in The top of the world

Siyempre, dahil shower party, may games… meron isang game dun na may mga questions, tapos sasagutin ng bride… isa sa mga tanong…. Anong song ang _____________. E si sis, biglang sumagot.

Sis: Enter in..

E may nag-echo.

Sis?: tapos top of the world….

Huwaaahhhhh…. Para sa iyo ba ang kantang iyan, nyahahhahaha

Ikaapat na kabanata: ang kuwento ng perfect moments

Noong nag-ho-honoring na, heto na po sila kuya at ate… turn na nila… sabi ni kuya kay ate, sige mauna ka na… e di ayun nga, nauna na si ate.

Ate: blah blah blah… blah blah blah… always create your perfect moments… blah blah blah…
Kuya: ay sinabi mo, akin yun e… yun ang sasabihin ko e..

Ate: ano'ng sa iyo… sabi mo kase mauna na ako e…

Ayan, kelangan una-unahan talaga ang labanan, hhhahahah… kaya nung turn na ni kuya.

Kuya: ano, ano… basta, don't forget to create your perfect moments…

Huwaaahhhh… hindi na nakapag-isip… nawala na ang flow of thoughts, hehehehe…. Naunahan kase ni ate sa paggawa ng perfect moments, nyhahahahah…

abangan ang susunod na kabanata Wink

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments