|
Paunawa, hindi po ito isang araw lang sinimulan, obviously, kaya please bear with me na lang, nyhaahahahaha.. Kahapon, Friday the 13th, ang latest na sked na hindi ko rin lubos maisip kung paano ko nalagpasan. Salamat sa strength Lord J Kaya bago ako lamunin ng kung anu-anong gawain, hayaan niyong mag-update naman ako ulit, hehehehe. Bago dumating ang weekend, sobrang pagod na pagod na ako sa kakaisip kung ko malalagpasan ang darating na Friday… bakit kamo, feeling ko, wala naman akong masyadong gagawin sa weekend na yun. Sa totoong buhay, sobrang excited pa kaya ako nun, hehehhe. Pagpatak ng Wednesday, aba at pagod na pagod na talaga ako (iniisip ko pa lang yun ha) sa mga mangyayari sa Friday…. Pagdating naman ng Huwebes, marami na ang nagtatanong sa akin kung ano daw ang gagawin ko sa Friday.. ayun, dahil nga ayaw kong magdesisyon… iisa lang ang sagot ko sa kanila… hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa Friday… hehehe.. Heto na, paguwi galing sa ofis, nagprisinta ako na magluluto ako ng carbonara, ayun, super luto, habang abala sa paglalaba.. hehehe… Nung matapos maglaba at magluto, sobrang pagod na talaga ang pakiramdam ko… Pero hindi dun nagtatapos ang gabi ko.. kase yun yung gimik night naming magkaka-housemate at sa hindi ko malamang dahilan, sinurprise nila ako… heheheh… Salamat sa inyo..muwahugz… Eniweis, bago nag-start yung gimik namin (kung saan sa bahay lang naman talaga kame at gumawa lang kame ng bonding moments), tinawagan ko ang mga ka-sis ko… sinabi ko na sige na… aattendan ko na lahat… ayun, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko e, hehehehe…. Hindi talaga ako marunong mag-say ng no.. nyahhaha… Natapos ang bonding moments namin, mag-1-1 am na ata… ang saya di ba… e ang call time sa akin sa Friday e maaga (hindi ko alam kung ano ang exact time, pero alam ko maaga, hehehe)… super set ako ng alarm ko ng 415am.. kase nga, walang sumagot sa akin, e ang natatandaan ko, 530 daw ang kitaan, nyahhaha… Pagsapit ng 415am… siyempre, super alarm ang mobile… pero dahil nga puyat, pagod, pagod at pagod at teka nasabi ko na bang pagod??? Hindi ko agad nakuhang bumangon… pagbangon ko, hala 5am na, nyhahahah… pasaway ever. Siyempre, late nagising, late bumangon, ano naman aasahan mo, e di late sa kitaan.. at ano naman sa palagay ko, importanteng tao ba ako para hintayin nila.. ayun, iniwan nila ako.. huhuhu… (pede bang bumalik na lang sa pagtulog???) e sinabihan ako na humabol nga daw ako… huwaaahhhh… wat to do?? Kahit ayoko sana, mas ayoko naman na parang hinila ko yung sarili ko na bumangon sa kama, tapos hindi naman pala matutuloy ang lakad ko. Ayun, super sunod naman. Pagdating sa kitaan, hindi lang naman pala ako ang late, buti naman, nyahaha. In fairness, dizon pa yung isa, hahaha… dizon, di zondo, nyahahha… Eniweis, ayun, kahit bad trip bad trip-an ang drama nung start, nakuha na ring mag-enjoy habang ginagawa yung photo shoot, hehehe.. Pagsapit ng 8am, super go go go ago go naman kame sa leaders assembly. At siyempre, dahil gutom na kame at buti na lang may baon kame, habang bumibiyahe kame, kumakain din naman kame. Pagdating sa assembly, set-up, tapos nakinig na ng mga sharings…. Pagkatapos ng assembly, off we go to sharjah, siyempre, tom jones pa rin ang drama ng mga lola mo, kaya lang late na kame, kaya hindi na namin nakuhang mag-lunch… kung anu-ano na lang na makakain, heheheh… Pagdating sa sharjah, super help (kunyari) sa pagse-set-up… tapos, start na rin sila.. super nakinig na rin kame. Then imbes na 1-4 lang siya, naging hanggang past 5 pa ata, heheheh… (yung mga kaganapan dun, utang ulit, hala dami ko na talagang utang, nyahahha). Pagkagaling sharjah, diretso sa bahay nina che-che.. nagpalit ng damit, dumiretso ng chowking para kumain, pero hindi masyadong nalasahan, pero masarap, kase libre, nyahahhaha.. kaya lang may halong pagmamadali pa rin, kase a-attend pa ng clp… Pagdating sa venue ng clp… set up ulit… then malalaman mo na walang kurdon ang laptop.. good luck kung tatagal, hahaha… ayun, hindi ko na ata nabilang kung ilang beses akong na-bad trip nung araw na yun. Pero at the end of the day, masaya ako. I was able to accomplished all the things na pagod na pagod akong isipin… pero promise, nakakapagod talaga.. hahahaha… So ayun lang ang kuwento ko, paumanhin, hindi na naman ata coherent, inabot kase ng ilang araw bago ko natapos di ba, hehehe.. eniweis, yun lang po.. hanggang sa muli. Ingat. God bless. muwahugz. |
| Leave a Comment: |