Entry: Truth or truth Tuesday, July 17, 2007



Noong huwebes, 12th July 2007, nagkaroon nga kame ng bonding moments with our housemates. Actually, plano pala nila na I-surprise ako. Malakas din trip ng mga super friends ko e…

Kung inyong napapansin, panay ang attend ko ng shower parties di ba… e naririnig nila akong nagtatanong, kelan kaya ako magkakaroon ng sariling shower party… Ayun, napagkaisipan at napagkaisahan nila akong I-surprise nga.. shower party ko raw, nyahahhaha… isa't kalahating aning talaga.. hehehe… kase paanong shower party… meron na ba akong fiance??? Heheheh.. ayun, si labs (aka, ron, yung ka-housemate namin) daw ang I-partner sa akin… ayos… (at in fairness, labs talaga di ba… ehhehehe)

E kaso mo, sa sobrang surprise nga, bago pa nangyari, sobrang kung anu-ano nang pagod ang nararamdaman ko, heheheh.. kaya tuloy, hindi 100% ang aking energy… kahit sinasabi nila na magparticipate ako, deadma lang, hehehehe.. yun kase yung araw na drama mode na naman ako… (kungdi ba naman drama mode, umiyak ba sa harap ng computer sa ofis??? Heheheh, artista???)

So ayun nga, imbes na shower party, naibalik sa unang purpose, which is bonding moments nga with the housemate… e ang kukulit, hindi magkaintindihan kung paanong magkakaroon ng bonding moments, kung anu-ano ang suggestion, hehehehe.. basahin dito yung ibang part.

Eniweis, bakit truth or truth.. e sa kagustuhan kase naming magkakilanlan ng mabuti, ayun, naglaro kame ng truth or consequence.. oo na, bagong-bago talaga ang aming laro, heheheh…

Heto na, siyempre, yung mga nauna, truth lang ng truth, kase parang mas madali namang umamin, or rather, mas madaling sumagot ng tanong, kesa pag-tripan ka sa mga consequences na ihahain sa iyo… saka kase nga ang aim ng laro is maging open sa lahat para lalong maging close, nyahahaha.. ano ba talaga open or close… di bale, alam ko naiintindihan niyo ako, hhahahaha..

Madali lang ang laro, kapag truth, pede ka pang mamili ng isang tanong sa mga ibabatong tanong sa iyo… isa lang… kapag consequence, patay, kase hindi mo alam kung ano ang ipapagawa, hahaha..

Kaya nga ayun, halos truth lang ang pinipili… Pagdating dun sa isa, heto ang masaya, nag-consequence…

Ang consequence….

Sasagutin ang LAHAT ng ibabatong tanong, nyahahahhahah…

So, ayun ang kuwento ng truth or truth… ang saya di ba, hahahaha… so anong moral ng story?? heheheh...

Sige, hanggang sa susunod na lang ulit na kuwento. Ingat. Muwahugz. God bless!!!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments