|
Eniweis, one time nga na umuwi ng Pinas yung isa sa mga jetsetter kong kaibigan eh nakipabili pa talaga ako at kabilin-bilinan ko nga e yung walang velcro. Although maganda yung nabili nya, siyempre, favorite color ko ba naman, hindi ako masyadong satisfied kase hindi siya masyadong malaki, hahahha... Pagdating ko ngaun dito sa Pinas para sa aking bakasyon, hindi ko maiwasang iyon din ang hanapin, lalo na at ang aking paboritong bag ay mukhang inarbor na sa akin ng magaling kong kapatid. Heto na, noong nagpunta kame ng Trinoma, kahit ako pa lang ang nag-iikot, naghahanap na rin talaga ako nung bag... At noong na-meet ko na ang mga i-mi-meet ko, ayun, pagkatapos kumain, e nag-ikot ikot kame sa mall, habang panay ang kuwentuhan, at nasabi ko nga na naghahanap ako ng bag.... Pagpunta namin dun sa isang sports shop, meron akong nakita.. iyong tipong, tamang-tama lang sa akin... nagandahan na sila, yun na talaga, walang velcro (dahil yun lang talaga ang pangunahing requirement ko di ba), although hindi siya black, mapapatawad ko na siya... ang tatak Northface.... (tama ba spelling guys??? heheheh).... at ang presyo, P2,500./- Siyempre, kung kilala niyo ako, ilang beses ko yung pag-iisipan di ba.... noong tinanong ko yung isa sa mga kasama ko, sabi niya, kung may iba pa daw kulay ok lang.... although sigurado daw ba ako... kase mejo may kamahalan nga siya di ba... at ganun pa yung tatak. Sabi niya, pag-isipan ko nga raw, kase hindi nga daw masyadong maganda yung kulay.. tapos pinag-iisip niya pa ako.. kesyo, kapag nabasa daw kase yung ganung kulay, nag-iiba, kaya hindi maganda... pero dahil gusto ko na talaga siya, sinagot ko pa... wala namang ulan sa Dubai a, heheheh.... oh di ba, sumasagot pa... tapos sabi niya, maganda talaga tatak pa nga lang daw.... pero sabi ko, hindi naman talaga masyadong importante yung tatak.. ang gusto ko lang talaga, wala siyang velcro and tamang-tama na sa akin.... pero siyempre, kino-consider ko pa rin talaga yung price. Lumabas kame ng hindi ko nabibili, kase nga, pag-isipan ko nga raw mabuti... at maghanap kame ng ibang shop na nagtitinda ng ganung tatak, at baka meron ngang black..... Nakarating kame dun sa isang shop, hayun meron din, mas mura, pero hindi yun yung gusto ko... kakaikot namin, nakita namin yung pinaka-kapatid.. mejo maliit sa kanya, kaya lang, hindi nga yun yung size... so naghanap ang nagtitinda... at naku po.. ayun... same ng unang nakita namin... sabi ko, hindi kaya may ibig ipahiwatig sa akin... heto na talaga, bibilhin ko na... tinanong pa rin nila, kung sigurado na ako.... tapos tanong pa rin kung may ibang kulay, wala na nga raw, yun lang...... so, seryoso na ako.. itapon lahat ng mga logical things na natutunan, I was about to go the counter ng biglang.... Pag-check ko sa likod... oooopppppssss...yung lock niya, velcro..... kaplang ka.... Ayun, binitawan ko ng dali-dali ang bag, at tuluyang kinalimutan kumbakit ko siya gustong-gusto.... Ang moral ng story sabi ng kaibigan namin... ganyan ka rin ba sa mga lalaki???? kaya naman pala.... Waaahhhh... bakit ganun???? may connect... ang saya talaga, hahahahha.. Eniweis hyways.. hanggang sa muli.. ingat. God bless!!! |
| Leave a Comment: |