Entry: More... Tuesday, August 12, 2008



At dahil madami pa nga akong kuwento, heto ang iba pang mga stories worth telling Smile at kahit na tipong pauilit-ulit ko ng naikuwento, ikukuwento ko pa rin di ba, heheheh... malay ko ba naman kase kung naikuwento ko na ito sa lahat...

Sa mga hindi pa nakakaaam ng kuwento tungkol sa pangyayari noong magpunta ako ng Surigao... heto na... malalaman niyo na, heheheh... pero ngaun ko lang naalala, prior pala sa pagpunta ko sa Surigao, meron pa ring stories na worth to tell, bwehheheh.... heto muna (at mamaya, itutuloy-tuloy ko na)...

August 1, dahil huling gabi ko sa Manila, nagpasama ako sa pinsan ko na pumunta sa CFC center dahil meron pa rin akong nakalimutang kuhanin... sabi ko sa kanya, sandali lang ako... hayun, hapon na kame nakarating dun... at in fairness, sandali lang talaga kame... pero dahil habang nagbibiyahe kame ay nag-text ang isang ka-sister ko na nagbabakasyon din at na nandoon daw sa megamall... kung pede nga raw meet kame, kase miss na kaya namin ang isa't-isa... siyempre, hindi ako nakatanggi di ba... at sabi ko pa rin sa pinsan ko, sandali lang kame.. hinihintay kase ako ng pamangkin ko dahil manonood nga kame ng sine dahil wala ng natitirang araw para gawin ko yun....

Heto na, kung alam niyo kung nasaan ang CFC center, alam niyo rin na alanganin ang layo ng Megamall... tipong masyadong malapit kung sasakay ka ng taxi, mahirap sumakay ng bus dahil alanganin ang bababaan mo, pero malayo-layo din kung lalakarin.. kaya ang napili namin, lakarin na lang...

Hayun, habang naglalakad kame, super text si bride, kung pede daw bilhan ko siya ng white bible... (e sa Tayuman lang ako nakakita ng ganun), at maya-maya, nag-text ulit, pati na rin daw hair dress... Pambihira, sabi ko nasa labas ako at mejo busy, sabay tinanong niya kung nasaan daw ako... siyempre, sinagot ko nasa megamall at imi-meet ko nga si sister... aba, ang sagot sa akin, tamang-tama daw, kase meron daw Wedding Library dun.. ang saya di ba... hayun, pagka-meet namin kay sister, inanyayahan kameng kumain at hindi naman kame tumanggi, pero dahil abala pa sila sa pamimili, sandali kameng nagpaalam para bumili nga ng hairdress...

Pagkabili ng hairdress, hindi ko namalayan na nasira na ang sandals ko... hindi na ako kinaya at bumigay na siya.. hayun, saka ko lang din naisip na bumili noong papunta na ng kainan... si pinsan, pinapaalala sa akin ang lakad namin from Megamall... at sabi ko kakain lang kame...

Habang kumakain, panay na ang text ni pamangkin kasama si isa pang pinsan... tinatanong kung nasaan na kame... lfs daw ay 9pm... at mag-e-eight na nun... e haler, kamusta naman ang distansya ng megamall sa san lazaro di ba.... pero sabi ko nga sa pinsan ko, manalig lang siya na aabot kame, siguradong aabot kame (kase at the back of my mind, alam kong may commercial pa, saka kakanta pa ng Lupang Hinirang, heheheh)...

Siguro, nakalabas kame ng Megamall ng 8pm, kaya lakad takbo kame papuntang Shaw Blvd MRT... heto ang catch, pagdating dun sa station ng mrt, sa mga hindi nakakaalam, meron dun hagdan at merong elevator.. kase po, mga 3 floors ang taas nun.. at para sa mga kagaya kong hindi physically fit, dapat, mag-elevator na lang.. e si pinsan, naghagdan, kaya hayun, sinundan ko, tama ba yun... at habang paakyat kame, naging milya-milya ang layo niya sa akin, aba, at paglingon, pinagtawanan ako... kase ba naman, nakapangunyapit na ako sa balustre ng hagdan (yeah, imagine that, heheheh)...

Nakasakay na kame ng mrt, panay pa rin ang text ng mga naghihintay sa amin.. hayun, puro pambobola ang sagot..  tipong malapit na kame, pero parang kakasakay pa lang namin sa mrt... hehehe....

Habang hinahabol namin ang lrt, dahil 9 pm nagsasara, panay din ang dasal namin na umabot kame, hehehehe.. and yes, amazing race ito, hehehehe.. hayun, pagdating ng tayuman, imbes na lakarin na lang papuntang sm san lazaro, nag-tricycle pa kame... at heto pa ulit.. pagdating sa sm... ang tanong ko, kaliwa tayo kanan... kase magkabilang dulo kaya ang sinehan... kumaliwa si cousin only to find out na sa kanan dapat.. wow.. wasted precious moments ito, hehehehe...

Pagdating sa sinehan, sinalubong na kame.. hayun, super upo na kame... only to find out na 930 pa pala ang start.. ang saya di ba.. nautakan kame... wag nga naman petiks, hehehehe....

At this point, wala pa rin nga pala akong nabibiling bible.... at sarado na ang mga tindahan, by the time na natapos namin ang panoorin sa sine, hehehehe...

Ang susunod na kuwento, abangan... (sensya, hindi pa ito ang kuwentong airport, hahahah)...

Sige, hanggang sa muli.. ingat. God bless!!!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments