|
Heto ang katuloy ng kuwento ko.... Ayun nga, kinabukasan, dahil hindi pa naman ako nakabili ng puting bible, at hindi ko alam kung ano talagang time nagbubukas yung tindahan, 8am e nasa bahay pa rin ako. At sa kadahilanang umuulan, mejo tamad na tamad akong kumilos. At dahil alam kong mejo matatagalan bago ulit ako makapag-online, nag-check muna ako, syempre, inopen ko ang ym, at julie vega ang drama ko... sabi ni rolly, bakit daw naka-ym pa rin ako at hindi pa umaalis sa bahay... hayun, e di nakatikim siya... pambihira.. hehehe... Pagbaba ko ng bahay namin at nagpapaalam na ako sa nanay ko, inalok niya pa akong mag-almusal at magbaon ng tinapay... e sa totoong buhay, hindi ako fan ng mga tinapay namin, hayun, tinanggihan ko ang kanyang alok, although at the back of my mind, naiisip ko ng pagsisihan ko ang hindi ko pagdadala ng tinapay, bwehehehe... Mga 8:30 am, andun na ako sa bilihan ng bible, at dahil pinagpala talaga ako, naabutan kong bukas ang tindahan, yehey... at dahil andun na rin lang ako, binili ko na yung pinagbilin na Kerygma kahit na nga ba parang the irony of it, kelangan ba talagang makarating sa Surigao ang Kerygma, hehehehe... Nakarating ako ng Baclaran, ilang minuto past nine... at dahil mejo naiwan ko ang iq ko, ayun, super nagtanong ako kung paano pupunta ng terminal 3, e nung sinabi sa akin na sa may simbahan lang daw ang sakayan papunta doon (at nag-da-doubt ako kung terminal 3 nga ba ang pupuntahan ko, ang kulit kase ng pinsan ko, pero pinaniwalaan ko pa rin ang sinabi nung mga taong imi-meet ko di ba, heheheh.. kaya terminal 3 pa rin talaga ang hinanap ko), naisipan kong lakarin na lang, kase if my memory serves me right, malapit lang ang simbahan ng Baclaran sa lrt di ba... not realizing na malayo rin pala kapag may bitbit kang travelling bag na napakabigat, heheheh... Hayun, habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep, kung anu-ano ang naiisip ko.. kesyo bakit kase hindi na lang ako magpedicab, sabi ng kabilang isip ko, malapit na lang.. mag-taxi na lang ako, e malapit na kaya... umuulan, sumakay na ako, malapit na nga lang.. pawis na pawis na ako, matatanggal na ang braso ko sa balikat ko, ooooppppssss... may Watsons... heto nga pala ang catch, may nagpapabili sa akin ng disposable underwears, at nasuyod ko na ang mga tindahan sa lahat ng sulok na pinuntahan ko, wala pa rin, kaya pagkakita ko sa Watsons sa Baclaran, nagkaroon ako ng dahilan na bitawan muna ang aking mga dala at maghanap ng disposable panties, hehehe... Sabi ko nga, pinagpala talaga ako... at kelangan, ang mga pabili sa akin, kasama ko ring nag-ta-travel.. hayun, as in, saktong-sakto ako... merong 2 packs na parang inilaan talaga sa akin.. thank you Lord ang drama ko, hehehehe.. at siyempre, mejo nadagdagan na naman ng timbang ang aking bitbit.. ang saya... After ilang milyong panahon, nakarating din ako sa patutunguhan kong sakayan ng jeep... aysus... ang ikot... daig pa ang jeep sa up ikot, heheheh... sobrang ikot ito... only to find out na yung bababan ko pala na sinasabing dadaan sa terminal 3, kapag may bitbit kang mabigat e malayo rin pala talaga... Pero sa wakas ng panahon, nakarating din ako sa terminal 3.. pero teka, bakit arrival, tama ba ang pinuntahan ko??? yun, super ask ng million dollar question, yun pala, aakyat lang ng escalator... So, heto na.. super contact na sa mga taong kikitain ko... ang maganda nito... kumpleto na daw sila at ako na lang daw ang hinihintay... pambihira... kakahiya naman.. bwehehehe... sige po, andito na po ako... saan ko po kayo pupuntahan... ang instruction, nakapila na kame, pumasok ka na... huh.. ano daw.. napapaligiran kaya ako ng taong nakapila... naka-blue ako.. huwaaahhh.. .specific ito... dun daw sila nakapuwesto sa may nakalagay na cebu pacific... huwaaahhh to the nth power, terminal ata ito ng cebu pacific... sabi ko pa, dito po ako manggagaling sa escalator... sagot niya, ano.. walang escalator... huh... e dun nga ako nanggaling di ba... pumasok ka na... sa gate 2, sabihin mo yung papuntang cebu... super ask sa guard.. andiyan na po ang mga kasama ko sa loob, saan po yung gate 2... yung papuntang cebu.... dito... dito... Argh, nakapasok na ako... tinawagan ko na naman si tita... andito na po ako sa loob.. dun kame mismo sa tapat ng may nakalagay na cebu pacific, ako din po... may nakikita pa po akong mga stalls... ha.. tv, meron.. napapaligiran po ako... at by this time, iniisip na niya na tatanga-tanga ako, heheheh... ramdam ko yun, bwehehhe.. eniweis, hindi ko masabi na magkita kame sa labas, pambihira, kase nararamdaman ko na yung inis sa boses niya.... sinabi ko pa na may nakikita akong mga lobo, only to find out na kahit saan ako bumaling, may lobo... ano ba ako.. specific nga.... Pagkaraan ng ilang saglit, napalitan ang boses.. naging boses lalaki... hayun, sinabihan ako na magpunta daw ako sa information at dun kame magkita.. marunong naman ako sumunod sa instruction di ba... wala pang ilang sandali, nagkita na rin kame, sa wakas... o di ba.... panalo.. hehehehe... Pagkatapos ng mahabang-mahabang pagpili sa check-in counter, kase pasensya na daw at kulang sila sa tao, kaya hindi pa ganun ka-organize, blah blah blah, dahilan ba un??? nakapasok na rin kame.. at heto ang catch (ulit).. delayed ang flight namin... argh to the nth level... tama ba yun... at dahil hindi pa ako kumakain, heto na, naisip ko bigla ang mga tinapay namin.. tinipid ko ang sarili ko nung nasa airport na, kase ba naman, mapagsamantala ang mga tao, hmph, hehehehe.. pambihira...ang tubig, 50 pesos.. haler, kamusta naman yun di ba... wag na lang isipin na nauuhaw, hahahah.... After sometime, nakaalis din kame.. mas matagal pa ang pinaghintay namin kesa sa pinagbiyahe namin... panalo... hahahha... nakarating kame sa cebu, mga 3pm na ata.. kaya mga ganung oras kame nakapagtanghalian.. ang saya di ba, hehehehe... stopover kame sa jollibee bago tumuloy sa pier, para sa biyahe naman papuntang surigao... 7 pm pa daw ang alis... Heto ulit ang nakapagpawindang sa amin (by this, may nakilala na akong pedeng ka-chummy-chummy ko, hehehe.. si jen, ofismate ni talah na taga-dubai... at least hindi ko na kelangan i-impose ang aking presence, bwehehehe)... 7am pa raw kame makakarating sa surigao.. hhhuuuwaaattt... ganun katagal ang biyahe.. at isa sa comment ni jen.. ano ba ito, pang-maalaala mo kaya ang setting natin (with matching teheras and everything, hehehehe)... Ang kulit... hehehe... mga eksenang hindi malilimutan....
Next time ang kasunod na kuwento, hehehehe... ingat. God bless!!! |
| Leave a Comment: |